MALUNGKOT ang araw na ito.
Bumalik na sa sinapupunan ng Dakilang Lumikha ang pinakamamahal nating si
Boss Rainier, ang pundador at may-ari ng ating pahayagang Bulgar.
—$$$–
HINDI matatawaran ang pagiging mapagpakumbaba ni Boss Rainier sa kabila ng napakatayog niyang naabot sa antas ng buhay.
Nanatili siyang matulungin, maunawain, mapagpatawad at mabait sa lahat ng pagkakataon
Ng kanyang buhay.
—-$$$—
ISANG deboto ng imahe ng Poong Nazareno ng Quiapo si
Boss Rainier na magdiriwang ng kanyang ika-63
kaarawan sa ika-25 ng buwang ito.
Nananatili siyang may maalab na pananampalataya sa Panginoon.
—-$$$—
UNANG naglubha ang kanyang sakit
dakong Marso, 2004
Matapos ang isang operasyon sa United States.
Nakatakdang isilang sa isang ceasarian operation ang aking unijo hijo nang matanggap ko noon ang malungkot na balita.
—-$$$–
ITINOKA naming mag-asawa ang pangalang Jesus para sa aming magiging anak hango
Sa pangalan ng kanyang Lolo Sucing na isinilang sa petsang Enero 20–Fiesta ng Sto Nino ng Tondo.
Pero, wala kaming paraan upang
Maipagdasal
Na mabuti ang kaligtasansa panganib ni Boss Rainier kaya’t naisip kong ikambal sa pangalang Jesus ang kanyang pangalan bilang binyag
Sa aking magiging anak na lalaki. Iniisip kong sa tuwing tatawagin ko sa kanyang pangalan ang aking bugtong na anak ay para na ring ipinagdarasal
Si Boss Rainier.
——$$$—
SA awa ng Diyos , nagbalik ang kalusugan ni Boss Rainier at 16 anyos na ngayon ang aking anak na si Jesus Rainier na magsisilbing buhay na alaala ng isang boss na hindi mapapantayan ang kadakilaan at pagiging matulungin sa kanyang
Mga ordinaryong manggagawa , kaibigan at kaanak.
Mahirap limutin ang masasayang araw na kasama natin
Sa opisina at planta si Boss Rainier partikular sa mga panahon ng Kapaskuhan at gitna ng
Mga kagipitan.
—-$$$–
HINDI ko malimutan ay nang minsang tawagin
Niya ako sa isang maliit na silid sa planta ng imprenta at nagkonsulta sa guhit
Ng kanyang palad.
Simple lang ang guhit ng kanyang palad na nagpapahiwatig na namuhay siya nang kalmante at walang
Mabibigat na alalahanin.
“May itatanong lang talaga ako sa iyo, kaya kita tinawag, ” pabulong na wika sa akin ni Boss matapos itikom ang palad.
—$$$–
“May nabili kasi akong lupain
Sa Nueva Ecija at alam mo bang tinubuan ito ng paa ng bahaghari? Ano ang ibig sabihin nito?”, kalmante niyang usisa bandang taong 1995.
Napalunok ako at nag-isip nang malalim na tipong naghahagilap ng sagot.
“Ang bahaghari po ay unang lumabas nang magpahiwatig ang Dakilang Lumikha ng kanyang emosyon matapos ang malaking baha sa panahon ng matandang Noe, ” mahinahon
Kong tugon.
“Ipinaaalala ng DIyos gamit ang baghari na ang kanyang pagmamahal sa bawat nilalang ay hindi kailanman
Nawawala sa kabila ng
Mga kasalanan ng tao.
Tumango-tango
Si Boss Rainier at nagtanong uli, ano ang ibig sabihin ng bahaghari
Sa aking bakuran,?”.
Sumagot agad ako: “Aktuwal at direktang ipinahihiwatig
Sa iyo ng Poong Lumikha ang kanyang pagmamahal sa iyo gamit ang bahaghari. Ingatan
Mo ang lupain dahil manipestasyon ito ng personal na koneksiyon
Mo kay Lord. “
“Tama ang sabi mo,”
Sorpresang tugon ni Boss Rainier, at idinugtong niya: “Alam mo bang deboto
Ako ng Poong Nazareno dahil
Ang birthday ko ay Enero rin?”.
Masayang naghiwalay kami ni Boss habang malalim akong nag-iisip.
Sa iyo Boss Rainier, Dalhin
Mo ang aming pagmamahal sa pagbabalik mo
Sa Kaharian ng Poong Lumikha”.
(BISTADO NI KA AMBO daily column, Bulgar Newspaper, January 19, 2020 issue. UNEDITED)