Breaking News, Chess

Arcinue, Extra naghari sa Sara Duterte-Carpio National Youth & Schools Chess

PINAGHARIAN nina Jeanne Marie Arcinue ng General Trias City, Cavite at Stephen Johnel Extra ng San Pascual, Hagonoy, Bulacan ang kani-kanilang dibisyon sa katatapos na 2021 Mayor Inday Sara Duterte-Carpio National Youth & Schools Chess Championships – Mindanao Leg  na ginanap nitong Abril 26 at 27, 2021 sa Tornelo online platform.
Si Arcinue na isa sa top players ng star-studded General Trias City Chess Club nasa ilalim ng kandili nina Rep. Jonjon Ferrer at coach Ederwin Estavillo ay nag reyna sa Girl’s Under-9 title.
Ang 8-year-old chess prodigy ay naipanalo niya ang kanyang first five matches kasunod na natalo kay Raya Georgette Paradero sa sixth round at nakabawi sa seventh at final-round win kontra kay Mica Claire Clar.
Sa katunayan sina Arcinue at Faith Argenal ay kapwa nakapagtala ng tig 6 points sa seven outings, subalit nakamit ni Arcinue ang titulo dahil sa mas mataas ang kanyang tie break points.
Si Arcinue ay sariwa pa sa pagkopo ng korona sa 2021 Zamboanga Sultans National Age Group Online Chess Championships Mindanao leg Under 10-Girls division nitong Abril 17, 2021.
Ang 13-year-old Extra na tabla kay Christian Erickson Costuna sa final round para masikwat ang korona ng Boy’s Under-15 division sa pagkamada ng 6.0 points.
Si Extra na grade 8 pupil ng Ramona S. Trillana Highschool ay tabla sa first round matches  kay Arleah Cassandra Sapuan kasunod na panalo kontra kina Lorenzo Guevara sa second round, Mysoul Malabarbas sa third round, Richard Haiden sa fourth round, David Rey Ancheta sa fifth round,  Jerome Pullos sa sixth round bago mag draw kay Costuna sa last round.
Ang two-day online chess event ay inorganisa ng National Chess Federation of the Philippines sa gabay nina chairman/president Deputy Speaker Rep. Prospero “Butch” Arreza Pichay Jr., NCFP chief operating officer (COO) GM Jayson Gonzales at  NCFP Assistant Executive Director for Mindanao IA James Infiesto sa pakikipagtulungan ng City Government of Davao, Sports Development Division-City Mayor’s Office (SDD-CMO) at Go IPSB Sports Program ni Mayor Inday na suportado nina Surigao Fianchetto Checkmates team owner AIM/NA Rey Urbiztondo, CPA Cipriano Magalso, NM Jonathan Tan and Atty. Jong Guevarra at ng Davao Chess Eagles.(Marlon Bernardino)

Makikita sa larawan ay sina Monette Arcinue at chess prodigy Jeanne Marie Arcinue ng General Trias City
Makikita sa larawan ay si Stephen Johnel Extra ng San Pascual,  Hagonoy, Bulacan