Breaking News, Lifestyle

3 PATAY SA KILLER TRUCK

TATLO ang namatay matapos tumagilid ang isang truck sa Teresa, Rizal, nitong Lunes.

Sa kuha ng CCTV, makikitang paliko ang truck sa pakurbang bahagi ng kalsada nang bigla itong tumagilid at mapunta sa kabilang lane.

Nadaganan nito ang kasalubong na motorisklo, habang ang isa pang kasalubong na motor ay bumangga naman sa truck. Kapwa patay ang mga rider.

Namatay din ang driver ng truck matapos tumalon at mabagok.

Ayon sa isang saksi, mabilis ang truck na may kargang buhangin.

Kaugnay nito, nanawagan naman ang kapitan ng barangay na maglagay ng karatula at checkpoint sa lugar dahil marami na umano ang naaaksidente rito. (Eloise L.)