Breaking News, Business

2020 TAX COLLECTIONS, UMABOT NG P1.94 TRILLION — BIR

NALAGPASAN ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang kanilang 2020 collection target.

Ayon sa ulat, ipinapalagay ng kawanihan na ang kanilang mataas na koleksiyon ay bunga ng pinaigting nilang kampanya laban sa mga hindi nagbabayad ng tamang buwis.

Ayon kay BIR Comm. Caesar Dulay, 86 porsiyento ng nakolektang P1.94 trillion ay binayaran sa pamamagitan ng electronic payment gayundin ang 21.5 milyon o 94 porsiyento ng 22.86 million tax returns.

Noong nakaraang taon, 4.37 milyon ang bagong business taxpayers na nagparehistro sa BIR at nagpapakita ito ng pagtaas ng 6.15 porsiyento mula sa 4.11 milyon noong 2019.

Ayon naman kay Finance Sec. Carlos Dominguez III naiintindihan naman ang pagbaba sa koleksyon ng BIR noong 2020 bunga ng matinding epekto ng krisis pangkalusugan. (Eloise L.)