Breaking News, Showbiz

Bayani contract artist na ng Viva, magdidirek na; Kit Thompson best actor sa Houston

ISA nang contract artist ng Viva Artist Agency (VAA), ang comedian-host na si Bayani Agbayani. Sa naganap na zoom presscon para kay Bayani nitong Lunes, April 26, inilatag nito ang plano ng Viva sa kanya kabilang na ang mga film at TV projects na nakaabang sa kanya. Sinorpresa din ng komedyante ang mga dumalong press people dahil sa deklarasyon nitong magdidirek ng ilang programa in the near future.

Masaya si Bayani habang iniisa-isa ang mga plano ng VAA sa kanya.

“May pelikulang nakahanda, sitcoms. May sinabi sa akin ang Cignal TV na may gagawin kami ni Randy Santiago na parang sitcom na ‘Buddy En Sol.’

“Sabi ko kay Bossing [Veronique del Rosario-Corpus, his new manager] nung nag-usap kami, ‘Bossing, it’s about time, kung gusto mo tayo na yung magdirek para madagdagan naman ng kulay ang estado ko sa industriya ng showbiz. Para tumatak naman sa mga tao na, aba, may improvement, ah. Nagdidirek na ngayon.'”  pahayag ni Yani.

“Actually, yung sitcom with Aga [Muhlach], hindi ko pa nga nasasabi kay Aga at sa Viva. Kasi hindi ko alam, kapag nauna itong kay Randy, baka magsabay.

“Hindi ko pa naman kina-count na matutuloy, kasi siyempre, hangga’t hindi nagro-roll, hindi pa naman totoo.

“So, kung nandiyan na yung opportunity, iga-grab ko muna. Kasi yung sa amin ni Aga, mga September pa.” sey ni Bayani.

                                                          *****

            Kit Thompson, best actor sa 54th WorlFest Houston International Film Festival

Sa pagtatapos ng 54th WorlFest Houston International Film Festival nitong Linggo, April 25, idineklarang Best Actor ang pambato ng Pilipinas na si Kit Thompson, para sa pelikulang “Belle Douleur.” Si Kit ay solong nominado mula sa bansa habang ang co-star niyang si Mylene Dizon ay kumatawan din sa Pilipinas para sa prestihiyosong International filmfest.

Tinalo ni Kit ang dalawang best actors nominees ng Japan na sina Hideyuki Kawahara at Yuh Kamiya na parehong napansin sa kanilang pagganap sa pelikulang “Sin-Gone Irony.”

Samantala bigong maiuwi ni Mylene  ang Best Actress trophy para sa kaparehong film, ang ‘Belle Douleur’ at sa halip ay naiuwi ito ni Nao Hasegawa para sa pelikulang ‘Beautiful Lure.’ mula sa Japan

Ang ‘Belle  Douleur’ ay directorial debut ng film producer na si Joji Alonso. Una itong ipinalabas noong  2019 at the Cinemalaya Philippine Independent Film Festival, where it won the audience choice award for full-length entries.

(TSIKA NI LOLA by ADOR SALUTA / BISTADODAILYNEWS.NET)