Breaking News, Nations

AWAY SA ONLINE GAME, UTOL PINATAY 

PATAY ang isang lalaki matapos walong beses na pagsasaksakin ng nakababatang kapatid sa Villasis, Pangasinan.

Kinilala ang biktima na si Michael Verzola, 34-anyos, dating overseas Filipino worker (OFW).

Naaresto naman ang suspek na nakababatang kapatid na si Johnny Verzola.

Naganap ang insidente sa selebrasyon mismo ng kaarawan ng kanilang ama.

Ayon kay Police Major Christian Alucod, hepe ng Villasis Police Station, nagkaroon ng pagtatalo ang magkapatid tungkol sa online game na nauwi sa hamunan.

“Nagkaroon ng misunderstanding hanggang sa dumating sa punto na chinallenge ng victim ‘yung suspect na lika magpatayan tayo,” ayon sa opisyal.

May hawak umanong panabas ang biktima habang kumuha naman ng kitchen knife ang suspek.

Pinagsisisihan naman ng nakababatang Verzola ang kanyang nagawa dahil umano sa labis nilang kalasingan. (Eloise L.)