Breaking News, Showbiz

Angel suportado ng ABS-CBN at ni Sec. Teddy Locsin, Jr.

NAGPAHAYAG ng suporta ang ABS-CBN kay Angel Locsin, pagkatapos ng kontrobersiyal nitong community pantry sa Barangay Holy Spirit kung saa’y mistulang ‘fans day’ ang naganap na bigayan ng ayuda nang dagsain ito ng netizens. Hindi lang mga taga-Quezon City ang dumating , maging sa karatig-bayan ng Metro Manila ay nakipag-unahan sa pilahan kung saa’y isang senior  ang nagbuwis ng buhay makakuha lamang ng ayuda sa inorganisang community birthday pantry ni  Angel.

Noong araw ding yun ang 36th birthday ng aktres at naisip nitong mamigay ng tulong kaysa gumastos pa sa kanyang kaarawan.

Kaugnay ng insidente, naglabas din ng official statement ang ABS-CBN para sa aktres.

“ABS-CBN believes in the goodness of the heart of our Kapamilya Angel Locsin, who in her personal capacity  has tirelessly helped our countrymen in times of crisis.

“We admire her commitment to continue serving the Filipino people with selfless dedication and love. We stand by her and thank her for being a shining example of generosity, accountability, and compassion,” ayon sa pahayag ng ABS-CBN .

Nauna nang nagbigay ng sariling mensahe ang aktres nitong Friday, April 23, at kinumpirma rin nito ang pagkamatay ng isa sa pumila, isang balut vendor at senior citizen na si Rolando dela Cruz. Sa nasabing mensahe, humingi ng paumanhin si Angel sa mga naulila ni Rolando.

“Sa tingin ko, tama lang po na sa akin ninyo na marinig na totoo po ang balita na may inatake at namatay habang nasa pila ng community pantry. Senior citizen po siya na pumila daw po ng 3 a.m. at may naka-initan sa pila.

“Humihingi po ako ng tawad sa pamilya. Kanina po pinuntahan at nakapag-usap po kami ng personal ng mga anak niya sa ospital. At habang buhay po ako hihingi ng patawad sa kanila,” pahayag ni Angel.

Nangako rin si Angel na tutulungan nito ang pamilya ni Rolando  sa kanilang pinagdaraanan ngayong namatay na ang kanilang padre de pamilya.

“Ang nangyari po ay akin pong pagkakamali. Sana po’y wag madamay ang ibang community pantries na maganda po ang nangyari,” she said. “I am very, very sorry.”

Ayon naman sa ilang kaanak ni Rolando, hindi nila isinisisi ang pagkamatay nito sa aktres. Sa isang pahayag ng kanyang anak na si Jenifer Fosana.

“Masakit pero wala naman may gusto na may ganito. Hindi naman kami naninisi ng ibang tao kasi hindi naman nila ito ginusto.”

                                                                 *****

SAMANTALA, dinepensahin din ng ating Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro “Teddy Boy” Locsin Jr. si Angel Locsin kaugnay ng insidenteng naganap sa inorganisa nitong community pantry sa Barangay Holy Spirit ,Quezon City nitong nakaraang araw na ikinasawi ng isang senior citizen.

Sa kanyang Twitter, sinabi ni Sec.Locsin na hindi na kailangan pang humingi ng paumanhin si Angel dahil walang may kagustuhan sa nangyari

“No forgiveness needed; at least she tried to feed them; one was so starved and weak she couldn’t feed him in time.

“Blame those who don’t do what she and others like her — like my friends from the very start of the pandemic — are trying to do: feed the hungry and not their egos,” ayon pa sa tweet ni Locsin.

Sa isa pa niyang hiwalay na tweet, pinuri pa ni Sec. Locsin si Angel at sinabihan pa nito na umiwas sa kanyang mga political advisers.

“You meant well. Road to hell is not paved w/ good intentions; that’s the excuse of animals whose intentions are always bad but know the road to hell well because they came from there. But keep away from Filipino political advisers; they are born stupid. Same advice for my side.”

(TSIKA NI LOLA by ADOR SALUTA / BISTADODAILYNEWS.NET)