Breaking News, Lifestyle

7 Konsehal kinasuhan sa Ombudsman

MALOLOS CITY,Bulacan- -Nahaharap sa kasong Gross Neglect of Duty sa Office of the Ombudsman ang pitong incumbent councilors matapos na pormal na kinasuhan ni City Vice Mayor Noel ‘Len’ Pineda ,Presiding Officer ng Sangguniang Panlungsod ng Malolos dahil sa patuloy na pagliban na walang proper notice o paliwanag sa pangkaraniwang pulong sa lehislaturang sangay ng pamahalaang lungsod.

Pormal na isinumite sa Ombudsman ang reklamo ni Vice Mayor Pineda noong Pebrero 18,2021 kalakip ang mga ebidensya ng sunod-sunod na pagliban ng mga konsehal mula 81st hanggang 84th regular session sa sangguniang panlungsod na nag-ugat umano para ang mga mahahalagang gampanin sa lehislatura prominente na umano ang kawalan ng plano para sa VOVID-19 vaccine ng pamahalaan, ang budget sa pamahalaang barangay at sangguniang kabataan ay nabinbin na nag-ugat para ang agarang implementasyon ng mga programa , proyekto at pagtulong sa mga higit na nangangailangan ay hindi maisakatuparan para sa mamamayan ng lungsod.

Batay sa sinumpaang reklamo ng bise alkalde ,ang mga kinasuhan na pitong incumbent councilors ay sina Nino Carlo C. Bautista, Francisco J. Castro; Kirk Louis Nicolas; Enrico C. Capule, Edgardo F. Domingo, Miguel Carlos B. Soto at Dionisio c. Mendoza .

Sa idinaos na pulong-balitaan inihayag ng presiding officer na ang kanyang pagsasampa ng kaso ay bunsod umano ng patuloy na hindi pagdalo ng pitong konsehal na nangangailangan na maibalik ang tamang kaayusan sa konseho upang ang kinakaharap na problema ng sangguniang panlungsod ay matuldukan kaakibat ang maihatid ang episyenteng paglilingkod at pangangailangan ng mamamayan na hanggang sa kasalukuyan ay nasa banta pa rin ng COVID-19.

“Sadyang nakakalungkot ang ginawa natin hakbang na pagsasampa ng kaso sa ating mga dating kasamahan sa konseho ngunit hinihingi ito ng pagkakataon at ng aking tungkulin na nangangailangan na gamitin ang kapangyarihan sa ilalim ng Local Government Code at tumugon sa mandato kaakibat ang protektahan ang integridad ng sangguniang panlungsod na isang mabuting institusyon na hindi dapat tuluyang masira ng anumang pulitika” ang pagbibigay-diin pa ng presiding officer.

Idinagdag pa ng bise alkalde na dahil sa pagliban ng pitong kasapi ng lehislatura ay nagiging dahilan ito ng kawalan ng quorom na sanhi upang ang mga mahahalagang gampanin para sa calendar of business, ang mga idinudulog ng mamamayan at certified urgent sa iba pa na mga programa at proyekto ay hindi napagtibay. Nabatid na nag-ugat ang alitan sa pagitan ng bise alkalde at ang grupo ng pitong konsehal na tinagurian na ‘7Up in Action’ na pinamumunuan ni City Councilor Atty.Nino Bautista nang agawin umano ang upuan ng tagapangulo ng sangguniang panlungsod na si Pineda kasabay ang pagpapatibay sa City Ordinance 02-2021 ang City Annual Budget , ang bagong Internal Rules of Procedure (City Ordinance 07-2021) na idinidiin na hindi kinikilala ang regular session na araw ng Lunes at Annual Investment Program (City Ordinance 08-2021).(Bong Cruz)