Breaking News, Nations

16-ANYOS, NIREYP NG ‘BAYAW’ 

ISANG 16-anyos na babae ang inabuso umano ng kinakasama ng kanyang ate sa Vigan City, Ilocos Sur.

Ayon sa ama ng biktima, naaktuhan ng isa pa niyang anak ang ginawang panghahalay ng suspek sa biktima, na bunso sa magkakapatid.

Sa sumbong ng dalagita, nagsimula siyang abusuhin ng suspek noong Marso 2020, at hindi makapagsumbong dahil pinagbabantaan at tinutukan siya ng patalim sa leeg.

Patuloy nang pinaghahanap ng mga awtoridad ang suspek. (Eloise L.)