Breaking News, Lifestyle

10-ANYOS PATAY SA TIKTOK CHALLENGE

PATAY ang isang 10-anyos na babae dahil sa isang TikTok challenge.

Ang biktima na hindi na pinangalanan ay pumanaw sa ospital sa Palermo, Italy dahil sa hirap sa paghinga.

Batay sa imbestigasyon, sinubukan umano ng bata ang tinatawag na “blackout challenge” ng online application na “Tiktok” kung saan ay pipigilan nitong huminga nang ilang sandali.

Isinagawa umano ang challenge ng bata sa loob ng kanilang banyo gamit ang sinturon isinakal sa kanyang sarili habang inire-record sa kanyang cellphone.

Kaugnay nito, inatasan ng Italian authorities ang Chinese firm na “ByteDance”, ang lumikha sa sikat na online app, na i-block ang lahat ng accounts ng mga nais mag-subscribe na hindi kinukumpirma ang kanilang tunay na edad.

Pansamantala ring ipinatigil ng gobyerno ang Tiktok sa buong Italya. (Eloise L.)