Showbiz

Zoren paglalaba ang exercise ngayong quarantine

GAYA ng karamihan sa atin na stuck at home at hindi makalabas dahil sa ipinatupad na enhanced community quarantine, masugid din na tinatrabaho ni ‘Bilangin ang Bituin sa Langit’ star Zoren Legaspi ang mga gawaing bahay gaya na lamang ng paglalaba. Pero ibahin n’yo si Zoren dahil imbes na gumamit ng washing machine, old fashion way ng paglalaba gamit ang kanyang mga paa ang paraan ng Kapuso actor.

Ayon pa kay Zoren, hindi lang maituturing na paglalaba ang kanyang ginagawa kung hindi dagdag exercise na rin. “Old school laba… cardio workout. Hindi porke’t naka-hanger sa cabinet eh malinis na!,” saad ni Zoren.

Hindi naman pinalagpas ng netizens na ihalintulad ang paraan ng paglalaba ng aktor sa kanilang mga magulang at lolo’t lola, “Haha looks fun tatay! Ganyan maglaba ang lola ko!”

Dahil tigil muna sa taping ang kanilang serye, itinutuon ni Zoren ngayon ang kanyang oras sa pagpapa-abot ng tulong sa mga pamilyang apektado ng COVID-19 pandemic sa pamamagitan ng pamamahagi ng relief goods katuwang ang asawang si Carmina Villarroel at mga anak na sina Cassy at Mavy Legaspi.

 

                        *****

Rhian at nobyo ibinahagi ang kanilang daily quarantine routine

SA ikaapat na linggo magmula nang ipatupad ang enhanced community quarantine sa Luzon, ibinahagi ni ‘Love of my Life’ star Rhian Ramos ang kanyang daily routine kasama ang nobyong si Amit Borsok habang sila ay naka-quarantine. Kahit pa stuck at home, nananatiling productive si Rhian sa pagbuhos nito ng oras sa mga gawaing bahay at maging charity livestreams.

Pinuri naman ng netizens ang pagiging maalam sa gawaing-bahay ng Kapuso actress pati na rin ang nakakaaliw na vlog content nito, “Ito yung isa sa mga celebrity vloggers na gusto ko to watch kasi may sense of class and maturity ang content.”

Mainam din daw ang mga lessons na ibinabahagi ng aktres lalo pa sa panahon ngayon ng krisis, “Gotta appreciate what you HAVE instead of what you DON’T – Rhian Ramos. Tamang-tama yung life lesson ngayong ECQ days. I love watching your vlogs.”

Pansamantala namang mapapanood ang ‘My Husband’s Lover’ sa timeslot ng pinagbibihang serye ni Rhian na Love of my Life tuwing gabi sa GMA Telebabad. (BISTADODAILYNEWS.NET / STARWORLD by ROMMEL GONZALES)