Breaking News, Showbiz

  Zara Lopez kahit may pandemic, ‘di nawalan ng trabaho

LABIS ang pasasalamat ng former Viva Hot Babe na si Zara Lopez dahil napabilang siya sa bagong serye ng Net25 na pinamagatang ‘Ikaw Ay Akin.’

Ang serye na mula sa pamamahala ni Direk Eduardo Roy ay magsisimula ngayong March 6, at every Saturday, 8pm. Tampok din dito sina Meg Imperial, Fabio Ide, Arielle Roces, Elizabeth Oropesa, AJ Muhlach, Anna Muhlach, Tanya Gomez, at iba pa.

Ipinahayag ni Zara ang kanyang pasasalamat sa Net25 dahil kahit may pandemic pa rin ay marami silang nabibigyan ng trabaho.

Esplika niya, “Napakasarap po ng pakiramdam na mayroon pong network na nagbukas ng pinto para sa aming mga artista na nawalan ng trabaho.

“Napakalaking tulong po para sa lahat yung trabaho na naibibigay nila. And yun po talaga ang purpose nila, para makatulong sa ibang artista na naapektuhan ng pandemic at nawalan ng trabaho.”

Wika pa niya, “Nakakatuwa po, kasi mas iniisip nilang makatulong at yung kapakanan ng tao sa paligid. Sobrang grateful po ako at binigyan nila ako ng pagkakataon sa project na ito, thankful po ako at sobrang naa-appreciate nila yung ipinakita kong pag-arte rito.”

Ano ang role niya sa serye ng Net25?

Tugon ni Zara, “Ang role ko po is kapitana ako ng barangay sa baryo na nagkagusto Kay Fabio, na nagkaroon ng amnesia. Ako rin po ang makakatuklas ng itinatagong lihim tungkol kay Fabio.”

Dito’y nabanggit din ng aktres ang sobrang kasiyahan dahil napansin ang acting niya sa serye.

“Sobrang bait ng staff and directors, ang gagaan katrabaho… and superrrr happy ako kasi na-appreciate nila yung acting ko. For the first time po, na-recognize rin yung pag-arte ko. And I did my best, hehehe. Nakakataba po ng puso,” masayang wika niya.

Dagdag pa niya, “Nagugulat na lang po ako na may mag-approach sa akin na ‘Zara, ang galing mo, natural yung acting mo at natatawa kami sa iyo’. Mayroon ding, ‘Ate Zara pinag-uusapan nila yung acting mo at ang daming nagagalingan sa iyo’.

“Ang sarap po pakinggan na may mga taong nakapansin ng pag-arte ko. Kaya bago po mag-take, lagi po akong nagdadasal na gabayan ako sa bawat eksena. Hindi naman po ako binigo ni Lord, damang-dama ko po yung gabay Niya sa bawat eksena ko.”

(SILIP by NONIE NICASIO / BISTADODAILYNEWS.NET)