Breaking News, Showbiz

Zara Lopez game pa rin sa hubaran

THANKFUL ang dating Viva Hot babe na si Zara Lopez dahil patuloy ang pagdating ng blessings sa kanya kahit panahon pa rin ng pandemic.

Bukod kasi sa pagiging parte niya ng cast ng ‘Ikaw Ay Akin’ starring Meg Imperial at Fabio Ide at napapanood every Saturday, 8pm, sa Net25, mayroon din siyang forthcoming digital online show.

Ang title ng online show ni Zara ay ‘What’s The Buzz?’. Kasama niya rito sina Sabrina M., Kristine Quinto, Jinky Aguilar, at Romm Burlat na magiging direktor din ng show.

Dapat ay nakatakdang mag-premiere ito last April 10 sa K5 Digital Media television, ngunit dahil nagkaroon ng ECQ sa Metro Manila, na-move ito next month.

Ang isa pang blessing kay Zara ay ang bago niyang movie titled ‘Nerissa,’ under Viva Films. Tampok dito sina Cyndy Miranda at AJ Raval. Kasama rin sa movie sina Sheree at Gwen Garci, under Direk Law Fajardo. Sexy ang tema ng pelikula, ibig bang sabihin ay game siyang sumabak ulit sa pagpapa-sexy?

Esplika ni Zara, “Noong nag-meeting kami, we talked about the love scene kung mayroon daw po ba akong restrictions. Sabi ko wala naman, kung ano man ang kailangan na eksena sa movie, gagawin ko.”

Aniya pa, “I’m a sexy star, I’m an actress po… so, yun yung nabigay na role, eh ‘di let’s do this po.

“Hindi na rin po ako bumabata, gusto kong habang hot pa ako at puwede pa, ilalaban ko pa rin po ito, hehehe,” nakatawang wika pa ni Zara.

Incidentally, kabilang sina Zara, Gwen, at Katya Santos sa special na production number ng Viva Hot Babe sa virtual show ni Sheree titled L’Art De Sheree.

Ano ang dapat i-expect sa production number nila rito?

Saad ni Zara, “I-expect nila kung gaano ka-hot ang dance number ng Viva Hot Babes dito, dahil sigurado akong mas mag-iinit ang panahon after nila mapanood yung sayaw namin.”

Ang iba pang guests ni Sheree rito ay sina Gian Magdangal, Kristel-Pilipinas Got Talent winner, national artist in aerial and pole-Jamaica Jornacion, Johnny Sustantivo ng Talentadong Pinoy. Ito’y directed by Jamaica Jornacion and Noel Maximo.

Anyway, may kakaibang patikim si Sheree sa dream virtual show niyang ito na magaganap sa April 24, 2021, 8pm., kaya book your tickets now sa www.ktx.ph.

(SILIP by NONIE NICASIO / BISTADODAILYNEWS.NET)