Breaking News, Showbiz

Ynez, Chichi at Kim bumuo ng grupo at pinasok na rin ang pagba-vlog

PINASOK na rin ng magkakaibigang Ynez Veneracion, Chichi Rita  and Kapuso actress Kim Rodriguez ang pagba-vlog kung saan tinawag nila ang grupo nilang KimChiNez mula sa kani-kanilang pangalan.

Kuwento nga ni Ynez na nabuo ang grupo nila dahil nagkasama sila sa isang App ( Bigo Live ) at doon na nagsimula ang kanilang pagkakaibigan, hanggang sa nagdesisyon silang bumuo ng grupo at mag-vlog.

Dagdag naman ni Kim na may pagka-travel show ang kanilang vlog kung saan pumupunta-punta sila sa iba’t ibang lugar sa bansa na kanilang pini-feature sa kanilang vlog.

Hirit naman ni Chichi Rita na ngayong buwan nga raw ay magtutungo silang tatlo sa Dubai para mag-vlog sabay bakasyon na rin, kaya naman daw pang-international na ang vlog nila.

May saririli raw silang character sa kanilang vlog, si Kim ang pa-sweet, si Chichi Rita ang komikera at si Ynez naman daw ang babaing bakla.

Lahat daw sila ay may say sa gagawing vlog plus the director, nagkakaroon daw sila ng brain storming para maganda ang kalabasan ng kanilang vlog.

Sa ngayon daw ay nagsisimula na silang mag-shoot para sunud-sunod daw ang pagpapalabas nila ng video sa kanilang Youtube Channel.

                        *****

Nagpalakihan ng  nota sa ‘Anak Ng Macho Dancer’

TAMA nga ang producer na si  Joed Serrano ng GodFather Film Productions nang sabihin nitong magkakabugan at magpapalakihan ng notes ang mga bida ng controversial na pelikilang ‘Anak Ng Macho Dancer’ na pinagbibidahan nina Sean De Guzman, Ricky Gumera, Charles Nathan, Mhack Morales  at Miko Pasamonte sa direksiyon ni Joel Lamangan.

Kami mismo ay nanood at nagulat sa tapang ng pelikula na sa umpisa pa lang ng ay naghuhumindig na notes na kaagad ang aming napanood, bulong nga ng kasama naming nanonod na “ It’s Raining Notes“ sa dami ng eksenang nakabuyangyang ang mga hotdogs sa ‘Anak Ng Macho Dancer.’

At kung sa tapang at tapang lang sa paghuhubad at pagpapakita ng notes ay ito ang aming top 3 — sina Miko Pasamonte, Ricky Gumera at Sean De Guzman. Isama pa natin diyan ang nga lalaking support sa pelikula na tumodo din sa pagpapakita ng notes.

At kung husay at husay naman sa pag-arte ay very promisng ang mga baguhang sina Ricky Gumera na mata pa lang ay umaarte na (ang lakas maka-Nora Aunor ), Sean De Guzman, Miko Pasamonte, Mhack Morales at Charles Nathan na kapansin-pansin ang kaputian at maganda at maamong mukha sa pelikula, masasabi mo ngang sana di na lang siya naghubad dahil pang matinee idol ang dating.

‘Di naman matatawaran ang husay sa pagganap ng mga veteran stars na sina best actress Jaclyn Jose, Allan Paule, Jay Manalo at Rosanna Roces na angat na angat sa pelikula at maging si Alora Españo ay napakahusay sa nasabing pelikula.

(HAROT by JOHN FONTANILLA / BISTADODAILYNEWS.NET)