Hindi kumbinsido si Xian Gaza sa mga inamin ni Maris Racal.
Sa kanyang Facebook page, partikular na kinontra ni Xian ang sinabi ni Maris na alam ni Rico Blanco ang nangyari.
Magugunitang sinabi ji Maris na inamin nya kay Rico na nahulog ang loob niya kay Anthony Jennings nang siya ay makipag-break.
“Hindi totoo na alam ni Rico. Sinabi niya lamang ito para ikondisyon ang mga utak natin na malinis siya at hindi niya niloko yung tao,” ani Xian.
Dagdag pa nito, “Hindi totoo na June 2024 niya lamang pinatulan si Anthony. Sinabi niya lamang ito para ikondisyon ang mga utak natin na walang nangyaring overlap sa dalawang lalaki.
“Hindi totoo na hindi niya alam na si Anthony pa at Jam. Kaya nga sinisigurado niya kay Anthony na mag-delete ng buong convo. Sinabi niya lamang ito para ikondisyon ang mga utak natin na siya ay biktima lang din dito,” diin pa ni Xian.
Previous ArticleRichest cities inilabas na ng COA
Next Article Xian Gaza kinontra mga pag-amin ni Maris Racal