HINDI na aatras ang China sa pagsakop sa West Philippine Sea.
Iyan ay isang mapait na katotohanan.
ALAM ng lahat na hindi sapat ang diplomasya upang mabawi ng Pilipinas ang sinakop ng China na malawak na karagatan sa EEZ.
Dakdak lang ang “iron clad” support ng US.
Kumbaga, pautot lang.
HINDI ba ninyo napapansin, nagkakapareho na ang posisyon ni dating PRRD sa disposisyon ni PBBM.
Pareho silang umiiwas sa komprontasyon versus China.
SA panahon ni Digong, umiwas ang Pilipinas sa komprontasyon sa Beijing pero nakipagkaibigan siya kay Xi Jin Ping.
Sa panahon ni PBBM, umiiwas din naman sa komprontasyon ang Pilipinas, pero sa US nakikipagkaibigan ang Malacanang.
Mas lumala pa, nasasaktan ang mga mangingisda at maging ang miyembro ng AFP.
KUNG yinayakap ng Malacanang na sa may soberaniya ang Pilipinas sa WPS, malaya dapat tayong magdesisyon na direktang magpasaklolo sa US.
Wala ring silbi ang MDT kung dakdak lang ang suporta.
KUNG pinasok ng aroganteng kapitbahay ang sarili mong bakuran, hindi ba’t pwede ka namang magpatulong sa kamag-anak o kaibigan upang idepensa ang itong ari-arian?
Kung totoong pag-aari mo ang bakuran, yan ang dapat mong gawin kung naduduwag o natatakot sa bruskong kapitbahay.
KUMBAGA,sa barangay, imbes na magpatulong sa kamag-anak o kaibigan—ang Pilipinas ay nagsumbong na lang sa “Lupon”.
Pero, mas epektibo ang “Lupon” kaysa sa United Nations dahil may kapangyarihan maglabas ng subpoena ang “barangay”.
He, he, he.
NAGMAMANIOBRA para sa 2025 at 2028 elections.
Ipagdasal nating hindi sana madugo.
Nagmamasid ang US at China sa magiging resulta.