Business

Work from home law epeWork from home law epektibo na

MAGIGING epektibo na ang batas na work from home 15 araw simula ngayon matapos na mailathala ito sa diario.

Nabatid na inilabas na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang implementing rules para sa batas na ito.

Ayon kay DOLE Sec. Silvestre Bello III, nakasaad sa nasabing kasunduan ang hindi pagbaba sa minimum na pamantayan sa paggawa na itinakda ng batas.

Kabilang dito ang tamang pagbabayad at ang minimum na oras na pagtatrabaho, overtime pay at karapatan sa leave benefit, social welfare at seguridad sa trabaho.

Sinasabi ng batas na dapat magkaroon ng kasunduan ang mga employers at empleyado at sundin ang work-from-home scheme.

Nararapat na abisuhan ng mga employers ang DOLE sakaling ipatupad na ang batas.

Magugunitang pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas noong Disyembre. Sara Jacob

 

[simple-author-box]