Breaking News, Showbiz

Willie Revillame ayaw na nang magulo ngayong senior na

NOONG January 27 ay ipinagdiwang ng comedian-TV host na si Wilie Revillame ang kanyang 60th birthday. Isa na siyang senior citizen. Sa isang interview, tinanong siya kung anong pakiramdam na he is entering a new chapter in his life. 

“Dumami yung gamot, di ba? Ganun, e. Saka iba yung nararamdaman mo talaga pag nagkakaedad ka na. Yung balakang mo, di ba? Saka ihi ka na nang ihi. Ganun talaga kapag may edad ka na pala, ganun.” ani Willie.

Nagkatawanan naman ang press sa biro niya na, “Saka ayaw na…” Pero mabilis niyang dagdag, “Hindi… parang ayaw mo na ng magulo, gusto ko tahimik lang, tahimik lang. Gusto ko tahimik lang, ganun, nag-iisip. Hindi mukha nung dati. Saka nung pandemya, iba e. Naging talagang home buddy ka, e, parang gusto mo nasa bahay ka na lang, e, ayun.”

*****

John Arcenas ‘di nagpakabog kay Janno Gibbs

BONGGA ang recording artist at aktor na si John Arcenas, huh? Kaliwa’t kanan kasi ang mga proyekto niya. Kamakailan lang ay nag-guest siya sa noontime variety show ng Net 25 na ‘Happy Time,’ sa segment ni Janno Gibbs na ‘Janno Gives.’ Unang kinanta niya ang kanyang latest single  na ‘A Single Smile,’ ang love song na sinulat ni Romer Timbreza and music arranged by Elmer Blancaflor.  Available na  ang nasabing kanta sa Spotify at sa iba pang online music platform.

Pagkatapos ng  performance ni John, may one on one interview at duet siya with Janno. Ikinuwento ni John kung paano nadiskubre ang talento niya sa pagkanta, kung sino ang mga music influence niya, at kung paano siya nakasali sa Kapamilya reality show na ‘I Can See Your Voice.’ Bakas sa ngiti ni John na naka-duet niya si Janno.

Samantala, isa sa mga bagong endorser ng Erase Beauty Care si John. Ang Erase ay isa sa pinaka-popular na beauty product sa merkado ngayon, na pag-aari ni Sir Louie Gamboa. Kasama rin sa endorsement ang kapatid niya sa management at dating ‘Tawag ng Tanghalan’ contestant na si Irene Solevilla.

Ngayong March sisimulan na ni John ang kanyang bagong show via online na  ‘The Dadadoos’ na isang children show.  Abangan ninyo  rin si John sa pelikulang  ‘Ate’  with Claudine Barretto. Para sa dagdag na impormasyon tungkol sa upcoming concerts and TV/radio appearance ni John, visit John Arcenas Facebook page.

(HATAWAN by ROMMEL PLACENTE/BISTADODAILYNEWS.NET)