Breaking News, Showbiz

Willie bongga ang regalo sa fans sa kanyang 60th birthday

BONGGA ang mga inihandang papremyo ng ‘Wowowin’ host na si Willie Revillame para sa kanyang 60th birthday celebration sa Miyerkules, Enero 27.

Mamimigay siya ng maraming cash prizes at isang brand new house and lot bilang pasasalamat sa lahat ng Kapuso viewers na patuloy na tumatangkilik sa kanyang programa.

Kaugnay nito, nagsimula na rin ang ‘Pera o Kahon Text Promo’ noong January 15. Simple lang ang mechanics para sa mga gustong sumali rito. Mag-register lang nang isang beses via text. Pagkatapos mag-register, maaari nang magpadala ng pagbati para kay Kuya Wil sa 8933. Ang bawat birthday greeting ay katumbas ng isang entry para sa electronic raffle na gaganapin sa mismong kaarawan niya.

Ang ‘Pera o Kahon Text Promo’ ay magtatapos sa January 27. Huwag nang magpahuli at sumali na!

                        *****

            Max Collins sa MPK

Buhay ng visionary at dream translator na si Rudy Baldwin ang tampok sa fresh at brand new episode ng real life drama anthology ‘#MPK’ o ‘Magpakailanman.’

Si Max Collins ang gaganap bilang viral visionary na si Rudy Baldwin.

Nag-viral si Rudy noong 2020 dahil sa mga prediksiyong pino-post niya sa kanyang Facebook page.

Nagkakaroon daw kasi ng mga visions o pangitain si Rudy tungkol sa iba’t ibang mga sakuna na maaaring mangyari sa Pilipinas at sa ibang bansa. Maging mga lotto numbers, kaya daw niyang hulaan.

Para sa kanya, isang biyaya mula sa Panginoon ang ipinagkaloob sa kanyang kakayahan.

“Siyempre, [galing ito] kay Jesus. Sa kanya lang talaga. ‘Yung kapangyarihan ng Diyos hindi mo kayang ipaliwanag, sana unawain nila na ‘yung gift kong negative ay para rin sa kanila ‘yun,” pahayag ni Rudy nang ma-feature siya sa programang ‘Kapuso Mo, Jessica Soho.’

Abangan sa brand new episode na pinamagatang “Babala at Pangitain: The Rudy Baldwin Story” ngayong Sabado, January 23, 8:00 pm sa Magpakailanman (‘#MPK) sa GMA.

(STARWORLD by ROMMEL GONZALES / BISTADODAILYNEWS.NET)