Breaking News, Showbiz

‘Walang Iwanan’ ni direk Bobet Vidanes ikinaloka ni Vice Ganda

SA latest vlog ni Vice Ganda, pinag-usapan nila nina Ion Perez at Ryan Bang ang pag-alis ni Direk Bobet Vidanes sa noontime show nila na ‘It’s Showtime’. Inihayag ni Ryan na nasaktan at nagulat siya nang umalis si Direk at naiintindihan niya umano ito dahil baka may pinagdaraanan umano sa pera lalo pa’t may pamilya si Bobet.

Inilabas naman ni Vice ang saloobin at sinabing siya’y nagtampo, nagulat, nagtaka, nagtanong at naloka.

Kuwento ni Vice, nag-text pa siya kay Direk upang pag-usapan ang nangyari upang malaman ang totoong rason ng pag-alis ngunit hindi ito sinagot.

Ayon pa sa TV host, ang plastic kung sasabihin niyang hindi siya na-offend sa pag-alis ng director dahil matapos ang labing-isang taon at may mga tsika pa umano sila na walang iwanan ay biglang umalis si Direk.

Matatandaang si Direk Bobet ang nagsabi sa noontime show na ‘walang iwanan’ ngunit siya ang unang umalis.

*****

Ate Gay, posibleng ‘di na kunin ng GMA 7

ISINIWALAT ng komedyanteng si Ate Gay na delayed ang pagbabayad ng GMA 7sa kanyang mga talent fee.

Sa kanyang Twitter post, hindi pa umano siya binabayaran ng AOS o ‘All-Out Sundays’ sa kanyang dalawang guesting.

Ang isang guesting din nito sa ‘Kapuso Mo, Jessica Soho’ ay hindi pa rin bayad.

Ang isa pang show na binanggit nito ay ‘YouLol’ kung saan last year pa raw umano siya lumabas doon at hindi pa rin bayad hanggang ngayon.

Matapos ang post, agad na nagbayad ang ‘KMJS’ sa kanya sa pamamagitan ng Gcash.

Sa ginawang pambubunyag na ito ni Ate Gay sa Kapuso network, ay baka hindi na siya kunin nito sa mga shows nila,’di ba?

(HATAWAN by ROMMEL PLACENTE / BISTADODAILYNEWS.NET)