Breaking News, Showbiz

Virtual concert ni Sheree bawal sa bata

TINIYAK ng sexy actress na si Sheree na kaabang-abang ang gaganaping virtual concert niya ngayong April 24 na pinamagatang ‘L’Art De Sheree.’

Aminado siyang masaya sa concert niyang ito na matagal niyang pinaghandaan.

Nakangiting saad ng aktres, “Na-overwhelm ako, dream come true po ito talaga.”

Aniya pa, “It’s a show that I saw in Paris na na-inspire ako. Burlesque is what I wanted to do ever since.

“I’m doing pole, aerial hoop, aerial hammock, burlesque, bondage art… parang story ng life ko in general at maraming makaka-relate. Women empowerment and gender equality, all in one! Hehehe!

“Ang goal ko rito is to give our audience a different type of entertainment –men, women, but no kids.”

Bakit bawal sa bata, totoo bang may nudity dito? “Watch na lang nila, its burlesque po, art of different sensual performances na very artistic po,” bitin na saad pa ni Sheree.

Ano ang dapat asahan ng mga gustong manood nito?

Pakli ni Sheree, “Isa siyang roller coaster ride na show, hehehe. Kakaiba ito…Kahit yung mga crew and si direk namin medyo pigil-hininga kapag nag-shoot kami. At malalaman nila kung bakit kapag na-watch na nila yung show.”

Pagpapatuloy pa ng seksing-seksing former Viva Hot Babe, “Before I started sa showbiz, I was a lounge singer sa hotels in CDO and sa Shangrila Hotel. I was also a part of an American band sa US in Virginia sa Renee’s Supper Club, I like classic music from the 50’s, 60’s…

“I was looking for something na babagay sa mga gusto ko, so I started watching different shows everytime nag-travel ako. Until I watched a show in Paris, naku na in love ako sa concept! How they use the classic sound and mixed it with the different kind of sensual performances.

“Naisip ko na gawin yung show na yun dito and make it my own version. So, nag-training ako ng pole and aerial skills to add more twist with the classic music and I came up with L’ Art De Sheree.”

Huling hirit pa ni Shree, “Ang mga guests ko halos mga winner na aerialist sa kani-kanilang field. Nandito rin si Gian Magdangal na first time namin mag-sing ulit after so many years, Viva Hotbabes na sina Gwen Garci, Katya Santos & Zara Lopez, Kristel-Pilipinas Got Talent winner, national artist in aerial and pole-Jamaica Jornacion, Johnny Sustantivo ng Talentadong Pinoy, directed by Jamaica Jornacion and Noel Maximo.

Para mapanood si Sheree sa dream virtual concert niyang ito na magaganap sa April 24, 2021, 8pm., book your tickets now sa www.ktx.ph.

 (SILIP by NONIE NICASIO / BISTADODAILYNEWS.NET)