Breaking News, Showbiz

Vice Ganda pinakabagong member ng ARMY

SI Vice Ganda ang pinakabagong member ng ARMY, ang fan base ng grupong BTS. Natutuwa daw ang ‘It’s Showtime’ host dahil sa mainit na pagwi-welcome sa kanya ng ARMY.kaya’t  idinaan nito sa social media ang pasasalamat sa pagtanggap sa kanya. 

Pahayag ni Vice, “Nahihiya ako sa mga ARMY. Bago pa lang akong super faney ng BTS and wala pa akong masyadong alam kaya ayokong magpakafeelingera na ARMY ako. Pero thankful ako ng severe sa mga nagwe-welcome sa kin. Ang saya pala talaga no! Chugug!”  ayon sa Twitter post ni Vice.

Kaugnay nito, masaya rin ang comedian-host sa pakiki-collab ng BTS sa kanyang cosmetics brand na siyang napiling partner ng BT21, mga characters created for LINE by BTS.

“I knew eversince na sobrang big ng BTS and super happy ako na napili nila ang Vice Cosmetics para i-collab.  Pero now ko lang talaga sila napanood ng bongga and nakilala isa-isa. At mas lalo akong naproud na may Vice X BT21 products!  Overwhelmed ako!” sabi ni Vice.

Na, sinabayan niya ng tweet, “I purple you!” which is an expression among the ARMYs.

                                                           *****

                                                                                                                                                Sa larawang ipinost ni Manila Mayor Isko Moreno sa Facebook nitong nakaraang Sabado, February 20, makikitang nagsi-shake hands sina ‘Yorme’ at dating Manila mayor Joseph “Erap” Estrada.

Parehong nakangiti ang dalawa at mukhang kinalimutan ang dating iringan nang sila’y parehong kumandidato sa pagka-Mayor ng Maynila nitong 2019.

Sa nasabing FB ni Isko, ikinuwento niyang sorpresa ang pagkikita ng dalawa sa isang kasalan no’ng pareho silang maimbitahan sa nasabing pagtitipon.

Pahayag nito sa kanyang post, “Akin pong ikinagalak nang sa isang kasalan ay muli kong nakatagpo ang dating alkalde ng Maynila, si dating pangulong Joseph ‘Erap’ Estrada.

“Kinumusta ko po siya, at kinumusta rin niya po ako at ako’y nagalak sa kanyang mabuting kalusugan lalo na sa panahong ito ng pandemya.

“Yan din naman po ang panalangin ko para sa lahat ng mga Batang Maynila at mga Pilipino, ang manatiling ligtas sa pandemya at anumang karamdaman lalo na sa panahong ito.”

Mensahe ni Isko sa 83 years old nang pulitiko, “Kay dating Pangulong Erap, God bless you po. Stay healthy and safe.” sincere nitong bati kay Erap.

(TSIKA NI LOLA by ADOR SALUTA / BISTADODAILYNEWS.NET)