Showbiz

Vice Ganda napupusuan ni direk Lamangan sa movi

MASAMA ang loob ng batikang direktor na si Direk Joel Lamangan sa bagong utos ng Malakanyang na pinagbabawalang lumabas ang mga senior citizens  o matatanda habang ipinatutupad ang GCQ (General Community Quarantine) starting May 1,2020, sa buong NCR at sa iba pang lalawigan sa Pilipinas. Dahil kabilang si Direk Joel sa mga senior citizens na apektado ng batas, pinapalagan niya ang gaya niyang senior na malakas pa raw naman ang katawan para lumabas ng bahay at maipagpatuloy ang kanyang pagtatrabaho o paggawa ng pelikula?

Sa pahayag ni Direk Joel sa Pep nitong Miyerkoles, April 29, aniya,”Nagagalit ako diyan! Bakit naman kaming lahat? Diyos ko! Nagtatrabaho pa kami, ‘no? Puwede pa kaming pakinabangan.” reklamo ng baitkang direktor.

Kanyang dahilan,”Bakit naman kami pagbabawalan! Kung ganoon, ang mga senador at congressman na senior citizens, lahat iyon pagkadami-dami. E, di bawal din sila! Paano ba iyon?” Katuwiran pa niya.

Dahil sa mga apela ng ilang senior citizens na sila’y malalakas pa at fit to work ,mukhang pinakinggan din ng Malakanyang sa pamamagitan ni Sec. Harry Roque na nag-isyu ng pahayag na ipaparating niya ang bagay na ito sa ating Pangulong Duterte.

Mahalaga para kay Direk Lamangan ang pagpapatuloy ng kanyang trabaho dahil katatapos lang nitong gawin  ang iskrip ng “Ang Huling Bakla sa Balat ng Lupa” at  balitang isa ito sa posibleng entry sa MMFF ngayong Disyembre (‘pag wala nang pandemic). Sa nasabi ring panayam, sinabi ni Direk Lamangan na tatlo ang napupusuan niyang maging bida ng nasabing pelikula na halaw rin sa kanyang pelikulang “Ang Huling Birhen sa Lupa”, na ipinalabas taong 2003 at pinagbibidahan nina Ara Mina, Maui Taylor at Jay Manalo.

Kabilang sa mga napupusuan ni Direk Lamangan na gumanap sa bago niyang pelikula ay ang “It’s Showtime” host na si Vice Ganda, ang Kapuso host-actor na si Paolo Ballesteros, at ang aktor-pulitiko na si Roderick Paulate.

                                                         ******

SPEAKING of  Vice Ganda, patuloy pa ring napapanood ang unkabogable star sa “It’s Showtime”  na bagama’t mga replays na ay maituturing itong mga klasik na episode at nakakuha ng mga matatas na ratings. Simula nitong April 27 at hanggang  May 2,2020. Noong April 27, napanood sila Vice Ganda, Anne Curtis, Jugs and Teddy ,Jhone Hilalrio with guests, Bamboo, Randy Santiago at Tony Labrusca, isa sa mga top-ratings na noontime show..

Dahil sa clamor ng madlang pipol, mapapanood muli ang mga segment na KapareWho, Advice Ganda at Mini Me sa bagong time slot na 1:30 pm na nagsimula pa  nitong April 29 tuwing weekdays.(BISTADODAILYNEWS.NET / TSIKA NI LOLA by ADOR SALUTA)