Breaking News, Showbiz

Vice Ganda naiyak sa gifts ng mom and sisters; Bong may payo sa mga young star

PAGKATAPOS ipakita ng ‘It’s Showtime’ host, Vice Ganda ang mala-5-star hotel nitong bahay  (kung saa’y meron itong built-in elevator, entertainment room, slash den, a large dirty kitchen, a spa room, and an elevated swimming pool surrounded by glass with a jacuzzi), kanya ring ipinagmamalaki rin nito ang bagong acquired na house-and-lot  sa kanyang mga supporters sa pamamagitan ng virtual  tour sa kanyang vlog.

Kanya ring inanunsiyo na walang kasingsaya ang makapiling ang kanyang mga mahal sa buhay sa bagong bahay and  to be able to spend the holidays in his 1,300-sqm home with them. Ayon pa sa kanyang vlog, noon pa niya nabili ang property six years ago for his late grandfather and started construction on it in 2017.

Sa kanyang bagong  vlog posted last January 6 called “NOCHE BUENA SA HOUSE OF GANDA,” Vice shared what went on during his Noche Buena with family and friends in his new home. Sa nasabing  video ipinagmamalaki ni  Vice ang kanyang  full-service kitchen with a fully catered dinner and showed the arrival of his guests which included his mom, sister, and nephew and niece as well as friends.

Mawawala ba kay Vice ang pagbibiro o o pagsasagawa nito ng pranks sa ilang family members by giving them underwear and sock sets na nakalagay sa mamahaling jewelry boxes .

Vice also surprised his close friends with luxury gifts like designer bags and shoes. Ryan Bang, who is known for his close friendship with the comedian was surprised with a Gucci toiletry bag. His two female assistants also received branded clothing and hand bags as well. Vice’s boyfriend Ion Perez received a Saint Laurent gym bag.

Hindi rin pinalampas ni Vice sa biro ang kanyang mom Rosario Viceral by making her open a gift wrapped box of tissue which she gamely accepted. When Vice finally gave his real Christmas gift, his mom was surprised when she saw it was a box containing a Rolex watch.

In return, Vice’s mom gave him bed sheets while his sister surprised him with a box containing silk pajamas. Vice could not help but get emotional even while still trying to sound comical.

“Naiiyak ako. Sa ilang Pasko na pinagdaanan, ngayon lang nila ako niregaluhan. Naiiyak ako talaga. Kung kelan pandemya may panregalo kayo sa akin ah. Naiyak ako talaga,” ani Vice.

                                                      *****

            ‘Respetuhin ninyo ang matatanda!’ – Bong Revilla

SA isinagawang exclusive presscon para kay Senator Bong Revilla kaugnay ng malapit nang mapanood na  programang “Agimat ng Agila,” kinunan ng mensahe ang mabuting senador kung ano ang masasabi niya sa mga kabataang  nakakatrabaho nito sa kanyang pagbabalik-telebisyon. May konek kasi ang binigay niyang mensahe patungkol sa isang Kapuso star na tila ‘tinaasan ng kilay’ o ‘di tanggap ang kanyang pagbabalik sa showbiz?

“Huwag nilang lapastanganin ang mga nakatatanda sa kanila.” makahulugan nitong bungad.

Naungkat kasi ang naging controversial tweet ni Janine Gutierrez noong December 2019 sa lunch ni SenBong (palayaw ng ilan sa senador) na ginanap sa Anabell’s kamakailan lamang. Matatandaang napa-“oh God” ang Kapuso star nang ianunsiyo ng GMA Network sa Twitter ang comeback project na Agimat ng Agila ng 54-year-old action star.

Hindi naman daw siya nagtatanim ng sama ng loob. Sa katunayan, nakalimutan na raw ng senador ang patutsadang iyon ni Janine. “Basta ako, sa ating magkakapatid sa industriya, kahit ano pang sabihin, siyempre, sa show business, mas senior ako sa kanila, sa mga batang artista.

“Dapat matuto rin sila (na rumespeto) sa mga nakakatanda sa kanila, sa (mas)senior sa kanila, huwag nilang lapastanganin ang mga nakatatanda sa kanila. Hindi lang sa akin, hindi lang bilang artista, bilang respeto sa may edad sa iyo, matuto ka rin rumespeto.” paalala pa niya.

Sa kanyang pagharap sa piling-piling press, naitanong sa butihing senador kung matutuloy pa ba ang dati nang usapang project na gagawin nito sa Star Cinema with young box-office queen, Kathryn Bernardo?

“Matagal nang pinag-usapan iyon, sa Star Cinema, kaya iyon ang sinasabi ko, di ba? Meron kaming project noon na napag-usapan, pero hindi pa nadi-discuss.”

Kanyang inihayag ang kagustuhang makatambal si Kathryn subalit hinihintay din nito ang sasabihin ng kampo ng actress. Baka raw unahan pa siya ng mga basher?

“Pero, kung gusto nila akong makasama. Alam ninyo, baka ma-bash na naman tayo diyan,” pabirong lahad ni SenBong.

“Pero siyempre, importante, ang mga tao, magtulung-tulong na lang tayo kung paano natin mapapasaya ang mga tao sa paligid natin, mga mahal natin sa buhay. Tama na iyong bashing, paninira. Ang importante, magtulungan, magbayanihan.” makahulugan nitong pagtatapos.

(TSIKA NI LOLA by ADOR SALUTA / BISTADODAILYNEWS.NET)