Breaking News, Showbiz

Vice Ganda nagpasalamat sa TV5 at Cignal TV; Janine winelcome na parang Miss Universe

MASASABING pinaghandaan ang opening number ng ‘ASAP Natin ‘To’ na napanood ng madlang pipol sa bago nitong tahanan, sa TV5. Sina Martin Nievera, Ogie Alcasid, Zsa Zsa Padilla, Gary V., at Regine Velasquez ang nagbigay ng opening medley kasunod ng iba pang Kapamilya singers na sina Jona, Angeline Quinto, Darren Espanto at Inigo Pascual. 

Nasa background sina Karla Estrada, Melai Cantiveros at Jolina Magdangal na siyang kumatawan sa MB habang  sina Vice Ganda, Vhong Navarro at Jhong Hilario ang mga representative ng It’s Showtime na itinuturing na isang makasaysayang pagsasanib-puwersa ng ABS-CBN at TV5 na naganap nitong Linggo nang tanghali, January 24, 2021.

Sa ibinigay na mensahe ni Vice agad nitong ipinaabot ang pasasalamat sa mga executive ng TV5 na sina Manny V. Pangilinan at CEO ng Cignal TV na si Robert Galang.

Inanunsiyo rin ni Vice dahil simula January 24, Linggo-linggo nang mapapanood ang ASAP Natin ‘To sa Kapatid Network—isang bagay na imposibleng mangyari sa Philippine television history pero naisakatuparan sa pamamagitan ng TV5 at Cignal TV.

Bungad ni Vice, “What’s up, madlang people, mga Kapamilya, at Kapatid? Maraming-maraming salamat po.

“Personally, I would like to say thank you very much. To PLDT and TV5 Chairman Mr. Manny V. Pangilinan, Cignal and TV5 President and CEO Mr. Robert Galang, maraming-maraming salamat po.

“Congratulations and thank you very much for making this milestone happen with ABS-CBN, Kapamilya, Kapatid!

“At kaya tayo nandidito, ang ganda, kasi di ba nag-merge? Inclusive di ba? Wala nang dibisyon, may TV5, may ABS-CBN, may Kapamilya, may Kapatid.” masaya nitong mensahe.

Nakasuot ng heart-shaped-red dress si Vice, sabay sabing nakasuot siya ng hugis-puso, bilang pagkilala sa Kapuso network. Walang pag-aatubiling binanggit ni Vice ang Kapuso.

“Siyempre kaya ako nagganito… Kapuso… mga Kapatid mahal na mahal namin kayo!!” ang natatawa na sambit ni Vice habang ipinakikita ang kanyang damit. Sabi ko na, two plus five equals puso.”

Sa ibang banda agaw-eksena din sa ASAP last January 24, ang grand welcome sa bagong Kapamilya actress na si Janine  Gutierrez. Kapipirma lang ni Janine sa ABS-CBN last January 15, at ngayo’y maituturing na siyang isa sa mga pangunahing aktres sa Kapamilya.

Tinext kami ng kanyang Publicist na si Rommel Gonzales at aniya’y pang-Miss Universe ang ginawang welcome sa kanyang alaga.

“Grabe! Parang Miss Universe ang welcome kay Janine.” masaya niyang bungad sa amin.

Sa kanyang spot  number, kinanta niya ang OPM song na “Panaginip.” “Kung ito’y isang panaginip,ayaw ko nang magising,” ayon pa sa lyrics.

Oo nga naman, mahirap magising kung ganito ang importasiyang ipinagkakaloob sa kanya ng Kapamilya. Baka sa kanyang paggising maging panaginip lang ang nagaganap sa kanyang buhay at career sa ngayon.

(TSIKA NI LOLA by ADOR SALUTA / BISTADODAILYNEWS.NET)