Breaking News, Showbiz

Vice Ganda nagpasalamat sa mga subscriber; ‘Huwag Kang Mangamba’ may mahahalagang aral

WALANG dudang nasa rurok pa rin ng tagumpay ang ‘It’s Showtime’ host na si Vice Ganda na ngayo’y pinasok na rin ang mundo ng vloggings  at isa nang pinakasikat na vlogger among celebrities. 

Nitong June, 2020, umani ng 14-M followers ang kanyang Twitter at ngayon nama’y nakakagulat na 5-M agad ang kabubukas niyang YouTube channel.

Sa isang panayam kay Vice sa ginanap na media launch sa bago nitong endorsement, aniya’y sinubukan niyang maging vlogger simula nang pagkaitan ng prangkisa ang ABS-CBN last 2020.

Pahayag ni Vice, “Kasi the moment ABS-CBN lost its franchise, wala na kaming platform and I was told by the management that it is your obligation to reach out to your audience whatever happens. So since walang TV anong paraan? So the only way na patok nung panahon na yun is yung mga online shows. So kailangan mo siyang pasukin so pinasok ko yung YouTube. Tapos nung lumalaki yung following nakakatuwa kasi nga dun ko na-ri-realize na marami pa ring may interes sa akin,” bungad na salysay pa ng ‘It’s Showtime’ host.

Inilunsad din ni Vice ang kanyang Vice Ganda Network last July, at dahil sa tagumpay nito kung kaya’t siya’y nagpapasalamat na nakahanap siya ng ibang platform (para mag-perform) gaya ng YouTube  na ngayo’y umabot na ng 5-M ang kanyang followers.

“I was just super happy the moment it became five million. Kahit nung two million, three million, yung pag may milestone siya na ganun ang saya-saya pero it was a bigger celebration kasi lagi siyang nangyayari pag may mahalagang date katulad nitong nag-five million siya nung birthday ko so double celebration. So ang saya kasi nga siyempre sa TV dahil wala na kaming free TV, walang ratings. Wala nang na-apply na ratings sa TV hindi katulad dati alam mo kung maraming nakakanood sa iyo kasi may ratings. So since wala ng ganun hindi ko na alam kung gaano karaming tao ang interesado pa sa akin. Or kung gaano pa kalawak ko nase-serve yung purpose ko.”

Kahit pa raw maraming pinagdaraanan ang kanyang home studio, tuluy-tuloy pa rin ang pagpo-produce nito ng sariling  content o platform para sa kanyang mga solid at loyal followers.

Katuwiran ni Vice, “Tapos dun ko nase-serve yung purpose ko na kailangan ko i-serve. Kasi this pandemic cannot stop me from serving my purpose. Kasi kung ganun lang naman, ano pang siste ng buhay kung wala kang sini-serve na purpose di ba?”

Hindi rin itinanggi ng ‘It’s Showtime’ host na malaki ang kinikita sa pagba-vlogging?

“Aside from that, I don’t want to be a hypocrite, mas maraming subscriptions, mas kikita yung channel ko di ba? Kahit may ipon naman ako kailangan ko kumita kasi mauubos yung ipon ko. Ayoko na bumalik sa paghihirap hello nanggaling na ako dun. At nagbabad na ako dun ng bongga. So nagyon nasa ganito akong posisyon, hindi ko puwedeng pabayaan yung kung anong meron ako, kailangan ko pangalagaan yung estado ng buhay ko. Kailangan ko pa rin kumita,” .

Sa panahon ngayon ng pandemic ang kanyang influence as entertainer ay ang maibahagi sa lahat ang saya  sa lahat, lalo na’t walang kasiguraduhan ang patuloy na pakikipaglaban ng mga tao sa Covid-19.

“Some people are trying to survive, some people are surviving, and some people are thriving after they survive. So nandudun tayo sa ganung stage so maraming, maraming salamat sa mga subscribers ko dahil hinahayaan niyo akong patawanin pa rin kayo, aliwin kayo sa ganitong panahon, at the same time nagkakaroon rin ako ng extrang hanapbuhay. Kaya give and take, hindi naman puro give lang ng give or take lang ng take. Kumbaga palitan tayo ng magandang nabibigay sa isa’t isa,” pahayag pa ng unkabogable star.

                                                                 —@@@—

            ‘Huwag Kang Mangamba’ may mahahalagang aral

SA panahon ng walang kasiguruhan, mahirap makahanap ng pag-asa at inspirasyon sa araw-araw. Ngunit sa bagong ABS-CBN inspirational series na “Huwag Kang Mangamba,” makikita sa kuwento nina Mira (Andrea Brillantes) at Joy (Francine Diaz) na kayang-kayang harapin ang mga pagsubok sa buhay gaano man kahirap ang pinagdadaanan.

            Narito ang mga mahahalagang aral sa serye na napapanahon ngayon:

            1.    Laging nandiyan ang Diyos

Sa kabila ng pagkabulag at paghihirap ni Mira, nanatiling matatag ang loob niya dahil sa paniniwala niya sa Diyos Dahil dito, naniniwala siyang kaya niyang harapin ang anumang laban sa buhay basta’t nagtitiwala siya kay Bro.

2.    Ipagpasalamat ang mga biyayang natatanggap, maging ang maliliit na bagay

Kahit na lumaki siyang walang pamilya, hindi ito naging hadlang para kay Mira na magkaroon ng positibong pananaw sa buhay. Sa halip, mas tinitingnan at pinapasalamatan ni Mira ang mga taong tunay na kumakalinga at nagmamahal sa kanya, tulad na lamang ni Ate Barang (Sylvia Sanchez).

3.    Laging nangingibabaw ang kabutihan

Sa kabila ng pang-aabuso at pagtataboy sa kanya ng kanyang pamilya, may kabutihan pa rin sa puso ni Joy. Pinipili pa rin niyang maging isang mabuting tao kahit na nahihirapan siyang makisama sa iba, habang ipinapakita naman nina Mira, Father Seb (Enchong Dee), at Darling (Angeline Quinto) ang pagmamalasakit para sa kanya.

4.    Walang pagsubok na hindi kayang harapin 

Pinapatunayan ni Mira na kahit gaano pa katindi ang kailangang tiisin sa buhay, hindi dapat sumuko. Ilang beses man niyang pinagdudahan ang kanyang kakayahan na tuparin ang misyon ni Bro, nananaig pa rin ang kanyang tiwala na magandang resulta ang maidudulot nito.

5.    Mahalaga ang pagmamahal para sa pamilya

Makikita ang kahalagahan ng pamilya sa mga sakripisyo ng tatay ni Pio (Seth Fedelin) para mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya pati na rin kay Deborah (Eula Valdes), na gagawin ang lahat para maprotektahan ang mga mahal sa buhay. Kahit naman hindi magkadugo sina Mira at Ate Barang, mag-ina na ang turingan nila dahil sa pagmamahal at pag-aalaga nila sa isa’t isa.

Laging subaybayan ang mahahalagang aral na mapupulot sa “Huwag Kang Mangamba” gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, WeTV, at iflix. Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.

(TSIKA NI LOLA by ADOR SALUTA / BISTADODAILNEWS.NET)