Breaking News, Showbiz

Vice Ganda magkamatayan man, ‘di iiwan ang ABS-CBN

SA segment na ‘Tawag ng Tanghalan,’ ng ‘It’s Showtime’ last January 16, Saturday, napag-usapan kung anong kaganapan sa buhay na ayaw nilang mangyari. Prangkahan namang sinabi ni Vice na ang pagtigbak sa kanila sa programang ‘It’s Showtime’ ang never niyang pinangarap o kinakailangang mangyari sa kanya.

Alala ni Vice, noon daw kasikatan ng AlDub, year 2015 hanggang 2017, ito yung panahong tinanggap na niyang katapusan na ng It’s Showtime’ dahil sa tagumpay noon ng Alden Richards at Maine Mendoza tandem sa Kapuso noontime show.

Nagsimulang umingay ang AlDub sa Kalyeserye segment ng ‘Eat Bulaga’. at dahil dito, umangat ang ratings ng GMA-7 noontime show sa katapat nitong ‘It’s Showtime’ ng ABS-CBN noong panahong iyon.

Dahil sa pambihirang karisma ng AlDub, inihanda na raw ni Vice ang sarili na baka tapusin na ng ABS-CBN management ang kanilang noontime show dahil sa lakas ng AlDub.

“Hindi ko talaga keri ‘yon. Hindi ko alam kung pano ko yun idi-deal with. Kasi nangyari na ito sa amin dati, e/ Ako talaga, hinanda ko talaga yung sarili ko na, feeling ko talaga, tatanggalin kami nung panahon ng AlDub. Prangkahan na,panahon ng AlDub, feeling ko wala nang nanonood ng Showtime. Parang buong Pilipinas, nakatutok sa AlDub.”

Dagdag pa ni Vice, “Tapos ang laking kasalanan kapag fan ka ng Showtime. Ang laking kasalanan pag nanonood ka ng Showtime.Parang nag-aaway-away ang mga tao sa social media. Parang hindi ka dapat nanonood ng Showtime. Dapat lahat tayo nakatutok lang sa AlDub, yung ganun.

“’Tapos ang baba-baba na ng ratings ng Showtime.” pag-amin ni Vice.

Kumpiyansa man si Vice at  mga co-host ng ‘It’s Showtime’ na lilipas din ang AlDub phenomenon at sila’y makakabalik sa paghahari sa noontime slot, nakahanda naman daw si Vice sa anumang oras na sakaling ipatawag siya ng management para sabihing kakanselahin na ang kanilang noontime show.

“’Tapos ako, laban na laban pa din ako. Pero dumating ako sa punto na habang lumalaban ako, tinanggap ko na, feeling ko, anytime soon, tatawagan ako ng management at sasabihan ako na, ‘We are cancelling the show.’Tanggap ko ‘yon.” aniya.

Hindi naman daw nangyari ang kanyang kinatatakutan, ang pagbitaw ng management sa kanilang show.

“‘Tapos hindi nangyari. Hindi ginawa ng ABS-CBN. Hindi ako nilaglag. Hindi nilaglag yung show.”

ilan lamang ito sa mga dahilan kung bakit mananatiling matapat at solid Kapamilya si Vice simula nang pagkaitan ng Kongreso ng bagong prangkisa ang largest TV network noong July, 2020.

“Kaya sabi ko talaga, yun ang pinanghahawakan ko, e. Magkamatayan na. Hindi ko iiwanan ang ABS-CBN ngayon. Kasi nung nangyari ito sa buhay ko, hindi kami iniwanan ng ABS, e. Lahat kami, lahat kaming hosts, lahat kaming nasa show, isama na natin yung direktor namin, hindi ‘yan iniwanan ng ABS nung mukha na kaming kawawa at halos patay na kami. Kaya ngayon na nangyayari ito sa ABS, hindi rin kita iiwan. Katulad ng hindi mo pang-iiwan sa akin noon.” makahulugan nitong pahayag.

Pahabol pa ng ‘It’s Showtime’ host, “Yung taong papayag na, ‘Sige, sasamahan pa rin kita kahit wala na akong nahihita sa ‘yo.’ Ang sarap noon. Pag di na napapakinabangan iiwan ka, ang sakit nun.” madamdamin nitong pagtatapos.

                                                   *****

            Jomari sinupalpal ng ex-live-in partner

SA huling patutsada ni Jomari Yllana sa dating live-in partner na si Joy Reyes sa isang ‘concerned citizen’ na sumasawsaw sa isyu ng mag-ex tungkol sa ‘di pagsuporta ng aktor sa dalawa nitong anak (two boys,1 and 3 years old) nasambit ni Jomari na hindi siya naniniwalang naputulan ng kuryente ang mag-iina or else, hindi siya makakapag-charge ng cellphone para ipagpatuloy ang kabisihan ng ex sa pag-FB at pagpapadala ng mensahe?

At nito ngang nagdaang araw, nangyari na raw na tuluyan nang na-disconnect ng Meralco ang power sa bahay ni Joy?

Dahil dito, napilitang muli na ilabas ni Joy ang kanyang saloobin matapos tuluyan na nga silang maputulan ng kuryente dahil sa paglobo ng Meralco bill nito na hindi nababayaran sa loob ng halos isang taon.

Sa magkakasunod na social media post ni Joy makikita ang pagtitiis sa dilim ng kanyang dalawang anak sa actor-politician dahil sa lumobong bill ng kuryente na nagkakahalaga ng P100,238.38.

Sa mahahaba at bagong social media post na ni Joy, muling  sinisisi nito at inaakusahan niya ng kakulangan sa suporta ni Jomari na ama ng kanyang mga anak.

Sa post ni Joy, “Our electric service from Meralco is DISCONNECTED TODAY ! Obviously, our bill has been neglected for several months….almost a year for it to reach this massive amount.

“Politicians, of all people, being public servants, should not be taking advantage of the leniency of the no-disconnection policy during the previous months because that was intended to help those gravely afflicted by the pandemic, those whose worse worry was how to manage to feed their families…not for the politicians whose affluence is boastfully exhibited, whose life is one of spectacular opulence!

“But the terrible part of this gross, gross negligence is a father’s apathy towards his own children. That is totally sickening!

“Since he blocked all means of communication, to those who know this guy, Kindly inform this ‘Honorable’ COUNCILOR of District 1 PARANAQUE JOMARI YLLANA that his children are sweating in the dark and this is making it worse for Fangio who’s been having fever for a few days now. So many other issues of abuse that I’m trying so hard not to mind for the time being but directly harming the babies this way can’t be tolerated.

“No matter what you do, because of your selfish choices in life, you will never be the one who will be by their side every single minute of every single day to come to their aid when they need it. So the least you can do is to STOP causing further trouble to the only parent doing it all!” pahayag ng ex ni Jomari  sa kanyang mahabang post.

Sumambulat pa umano ang galit ni Joy kay Jomari sa naging tugon nito sa isang netizen (na makikita rin sa post) tila nagpapahiwatig ang aktor na pawang kasinungalingan ang sinasabi ni Joy dahil  kung wala silang kuryente, bakit patuloy pa itong nakakapag-charge at nakakagamit ng cellphone at nakakapag-post pa sa Facebook.

“A concerned citizen sent me this and I’m absolutely lost for words… I don’t wanna say I’m stupefied for the stupidity but I really can’t think of subtle words to appropriately describe it.

“Okay… Lemme get this straight. Does he really mean since namatay ang kuryente sa bahay, automatic dapat patay din ang celfon ko???

“Here… I’m not really in the position to educate the uneducated so somebody kindly just explain to this person how mobile phones and mobile data work…how these gadgets have a battery life independent of the electric supply in your house.

“The pathetic attempt to again discredit the truth really has its boomerang effect.

“And it’s best to stop trying to make these people (who are just genuinely concerned about the babies) feel stupid by telling them to think when obviously it’s apparent who’s actually looking like a complete moron here. Oh boy! For your own sake, Just focus on solving the problem you created in the first place,” sagot niya sa pahayag ng actor-politician.

(TSIKA NI LOLA by ADOR SALUTA / BISTADODAILYNEWS.NET)