Breaking News, Showbiz

Vice Ganda biniktima sa prank vlog si Ryan Bang

DAHIL kanselado ang live staging ng ilang programa dahil sa pagtaas ng bilang ng mga nagkaka-Covid-19, ang pinagkakaabalahan ngayon ng ‘It’s Showtime’ host, Vice Ganda ay ang pagpa-prank sa mga kaibigan at pagkatapos i-prank nito ang kanyang mga co-hosts, kasambahay, nabiktima nito sa kanyang huling  vlog ang co-host sa ‘It’s Showtime’ na si Ryan Bang.

Sa kanyang latest na vlog, si Ryan ang  latest victim sa segment, na Choppy Choppihan.” Tema ng kanyang prank ay i-video call ang comedian-host kung saa’y kunwaring nahihirapan nitong marinig ang kausap sa kabilang linya dahil sa mahinang signal. Sa kabilang linya naman, pinoproblema ni Ryan ang signal mula sa tawag ni Vice at hirap nitong maintindihan ang mga pinagsasabi ni Vice sa kanya..

Sa kanyang vlog sinubukang tawagan ni Vice si Ryan, para paalalahanan ang co-host tungkol sa mandatory swab test na isa sa mga requiremens bago pumasok sa compound ng  ABS-CBN. Sinundan ito ng ilang fake message galing umano kay  ABS-CBN Chief Operating Officer for Broadcast Cory Vidanes na derechong naka-address kay  Ryan.

Sa umpisa ng  kanilang usapan, tila nagkakaintindihan naman sina Ryan at Vice hanggang sa nabanggit nito ang tungkol sa kanyang swab results.

Dahil dito,tanging nasambit ni Ryan, “Ano ba ang sinasabi mo? Hindi ko maintindihan,” .

Sumagot naman si Vice ng “Kailangan ko masabi ko sa kanya ‘to kasi pinapasabi ni Tita Cory para maintindihan niya. Kasi baka pumasok pa siya next week.”.

Sa bandang huli, no’ng nakahalata siyang pina-prank at pinaglalaruan lamang siya ng ‘It’s Showtime’ host, nu’ng makita niyang ngumunguso-nguso na ito. Natatawa man, simple lang ang kanyang tugon, “Ang bobo ko naman. Ngayon ko lang nagets. Natakot ako sa Tita Cory,”  sey ni Ryan kay Vice.

                                                                —@@@—

            Kakaibang birthday celebration ni Matteo Guidicelli

MALAKING tagumpay kung ang virtual audience ang pag-uusapan sa nakaraang ‘Tala, The Film’ Concert ng Popstar Royalty, Sarah Geronimo, na ginanap nitong nakaraang Sabado, March 27. Ito ang kauna-unahang ang digital concert kung saa’y specIal guest ng singer-actress ang asawang si Matteo Guidicelli.

Pero bago pa ang nasabing ‘Tala…’ concert, ipinagdiwang din ni Matteo ang kanyang 31st birthday nitong Biyernes, March 26, subali’t hindi magarbong birthday party ang naganap kungdi isang groundbreaking ceremony para sa kanilang ipapatayong bahay sa Peninsula De Punta Fuego sa bayan ng Nasugbu, Batangas.

Makikita sa mga larawan sina Sarah at Matteo sa groundbreaking na may caption na “Spotted: Mr.& Mrs. Guidicelli groundbreaking their future home at Peninsula De Punta Fuego earlier…” ayon sa Facebook page post ng administrator ng Peninsula De Punta Fuego.

(TSIKA NI LOLA by ADOR SALUTA / BISTADODAILYNEWS.NET)