Breaking News, Showbiz

Vice Ganda bibili ng engine-powered scooter; Janella ‘di nakapagpigil sa basher ng anak

SIMULA nang magkaroon ng pandemya, nauso ang pagba-bike bukod pa sa motorsiklo para mapadali ang biyahe sa paroroonan. Lalo na ngayong umiiral ang lockdown sa maraming lugar partkular na sa Metro Manila, mahirap sumakay sa mga pampublikong sasakyan gaya nang pinaiiral na social distancing sa mga sasakyang jeep at bus. 

Kaya naman praktikal sa bawat mamamayang nagtatrabaho na mangarap magkaroon ng sariling bisekleta o motorsiklo.

Iba naman ang trip ng ‘It’s Showtime’ host, Vice Ganda na binabalak magkaroon ng  isang engine-powered scooter na pangrampa. Pero bago ito bilhin ni Vice, nagpaturo muna ang TV host-actor sa boyfriend na si Ion Perez kung paano paandarin at sakyan ang electric scooter.

Sa kanyang pinakabagong vlog, kanyang ikinuwento kung paano siya nagpursige para matutong magpatakbo ng scooter. Ani Vice, ang kanyang bf o “babe”  na si Ion daw ang nagsabi sa kanyang mag-aral munang magpatakbo ng scooter bago nito bilhin ang inaasam na  engine-powered scooter.

Sabi ni Vice, “Nakakabagets. Nakaka-sweet. Vespa-vespa ka. Sabi ni Ion, bago ako bumili, mag-aral daw muna ako kahit sa scooter lang. ‘Pag marunong daw ako mag-scooter, baka kerihin ko nang mag-Vespa. Eh hindi din nga ako marunong mag-scooter,” .sabi ni Vice, sabay tawa.

                        *****

            Janella ‘di nakapagpigil sa basher ng anak

HINDI maiwasang mapamura ng actress-mom na si Janella Salvador no’ng pintasan ng isang basher ang wala pang isang taong gulang nilang anak ng aktor na si Markus Paterson na si Jude Trevor na ipinananganak sa UK noong October, 2020. Para kay Janella, siya na lang ang i-bash at makakaya pa nito ang anumang panlalait but not her son na sinasabihan umanong, ‘damulag’?

Sa pamamagitan ng kanyang Twitter account, sinagot ng young mom ang nasabing basher ng anak kamakailan lang. Hindi raw nito palalampasin ang panlalait sa anak na wala pang kamuwang-muwang sa mundo and yet, nakakatikim na ng bashing?

Gigil pang sabi ni Janella, “Your humor must be really fu**ed up to make fun of a baby. I can take all the bashing in the world directed at me with grace, but direct it at my innocent son and you’ll definitely hear from me,

 “P.S. you sure about making fun of Jude’s face? You sure, bud? Sure na? Yikes. Ayt.” pahabol pa ni Janella.

— Janella Salvador (@superjanella) April 7, 2021

Bagama’t identified na ang lalaking nam-bash na si Gabriel Anunciacion, ayaw na niyang tukuyin kung ano pa ang ginawang panlalait ng basher sa anak.

(TSIKA NI LOLA by ADOR SALUTA / BISTADODAILYNEWS.NET)