Breaking News, Showbiz

Vice Ganda at Ion nililibang ang sarili sa badminton at basketbol

IBINABA na sa mas maluwag na MECQ ang buong National Capital Region(NCR), subalit labis pa ring pinag-iingat ang publiko sa mataas na bilang ng mga taong nagpopositibo sa Covid-19.

Maraming binago ang pandemya maging ang mga live staging ng ilang programa ay ipinasuspinde ng pamahalaan para maiwasang lumala pa ang bilang ng nagkakasakit.

Dahil dito, ibinahagi ng ‘It’s Showtime’ host, Vice Ganda kung paano napabago ng pandemic ang dati niyang magulo o hectic schedules noon.. “Hindi siya kasing hectic as before nung normal hectic talaga. (Dati), sasakit ang ulo mo sa schedule.

“Pero nung nagkaroon ng pandemic hindi naman siya naging hectic, ang problema naging complicated ang schedule. Kasi minsan may schedule ka tapos in a snap maka-cancel dahil ang daming pabagu-bago ng mga policies, ang daming ECQ levels, may MECQ, may ECQ with iron, ganyan.” biro ni Vice.

Sey pa niya, “Dahil sa dami ng mga pagbabago, abruptly nag-che-change ang mga schedule, ang daming trabahong naka-cancel tapos biglang hahabulin mo. So complicated ang life pero gayunpaman, we are still surviving and trying to thrive kahit ano pang nangyayari.

“Kasi ang daming ganap na magpapasakit ng ulo mo nowadays. Samantalang dati ang problema mo lang ang pinoproblema natin. Yung estado mismo natin, yung kondisyon natin at this very moment, nakakasakit ng ulo,” pahayag ng ‘It’s Showtime’ host sa isang panayam kaugnay ng media launch ng kanyang latest endorsement nitong April 12, ang Saridon na may temang Kabog Pasabog.

Ikinuwento rin ni Vice’ kung paano nito pinaglalabanan ang ‘boredom’ o pagkainip sa bahay kahit pa kasama ang boypreng si Ion Perez.

“Yung latest ECQ eh siyempre bigla-biglaan na naman naging ECQ kasi nagpasabog na naman itong si covida so para hindi mabagot, siyempre malaking bagay ang kalungkutan sa pinagdadaanan natin ngayon di ba? So pag nabagot ka, pag nalungkot ka, ang daming pumapasok sa sa isip mo so yun ang iniiwasan ko.

“So para hindi mabagot ang dami kong ginawa. Bumili kami ng badminton net ni Ion (Perez). Nag-set up kami ng badminton court sa harapan ng bahay namin tapos bumili ako ng basketball ring, nagba-baskteball kami ni Ion. Three days na kaming everyday nagba-basketball. Tapos sabi ko nga, pag hindi pa huminto itong ECQ baka bukas makalawa may beach volleyball court na rin dito sa harapan ng bahay namin.

“So lahat ginawa na namin. Nag-aaral na rin kami maglaro ng PS5, yung ganyan. So lahat ng paraan para malibang gagawin namin kasi ako especially, I choose not to be sad. So buti na nga lang, nakapag-ipon-ipon ako so ngayon nakakagawa ako ng paraan para libangin at aliwin ang sarili ko,” pabiro pa niyang sagot.

Aminado naman si Vice na nagkakaroon siya ng negatibong vibes dahil sa pandemic.

“Kanya-kanyang choice yun eh kung paano ka magsu-survive. Pero I’m not saying na dapat hindi tayo nalulungkot kasi dapat talaga hinaharap rin natin yung emosyon di ba? And your emotion is valid whether or not you’re happy or sad. Whatever you are feeling that is valid. Iba-iba tayo ng pinagdadaanan at iba-iba rin tayo ng pamamaraan kung panao mag-cope. Ako kasi ayokong magtagal sa lungkot na nararamdaman ko sa kabagutan kaya gagawa ako ng paraan para right away, parang Saridon, in just 15 minutes, may effect na agad, ganun.” .

Kahit pa raw lampas-forty na siya, feeling niya’y hindi pa rin siya  physically strong.

“Mas hirap ako pag physical, pag emotional or psychological parang mas natatagalan ko, mas tiisin ako. Pero pag physical na mas iniinda ko. Kasi siguro mas nasanay akong may iniinda akong emotional and psychological pain for the longest time. Lalo na growing up wala namang gamot nun. Kaya natutunan ko na lang kung paano palakasin ang emosyon at pag-iisip ko. Peor yung physical pain, ever since may available na gamot kaya siguro hindi ako nag-train na maging malakas physically. So para sa akin physical pain ang hindi ko kaya,” ani Vice.

Umaasa si Vice na sa loob ng taong ito, mapupuksa na rin ang pandemiya o ang pagtigil ng novel coronavirus sa bansa.

“The one thing I’m most excited about this year is yung katapusan ng pandemic na ito. Kini-claim ko na this year matatapos itong pandemic na ito. Sayang naman yung kagandahan ko nabubulok lang sa bahay ko. Kailangan makita sa labas. Kailangan makita ito sa studio, kailangan makita ang mukha ko sa mall, sa sinehan, sayang ang kagandahan ko. Hindi ito puwede mabulok.

“Kaya kini-claim ko, matatapos itong pandemic na ito itong year na ito. I have been praying for this thing ever since every day every day pinagdadasal ko ito na magamot lahat ng may karamdaman at eventually matapos na itong pandemic and that will happen this year. That’s the one thing I’m so excited about,” positibo nitong mensahe.

                        *****

            ‘Doctor Foster’ magkakaroon na ng Pinoy adaptation                                                 

MAGKAKAROON na ng Pinoy adaptation ang sikat na British drama series na “Doctor Foster” matapos makipagsundo ang ABS-CBN Entertainmnent sa BBC Studios na gumawa ng local version para sa Pinoy televiewers. Una nang ipinalabas ng ABS-CBN ang South Korean adaptation  nitong TheWorldofTheMarried sa Kapamilya channel noong Hunyo,2020 kasnod ng pagkilalang nakuha nito bilang highest-rating South Korean cable TV drama sa kasaysayan.

Ang Pinoy remake ng “Doctor Foster”ang una para sa isang scripted British  series pagkatapos pumatok sa iba’t ibang bahagi ng mundo ang kakaibang kuwento nito tungkol sa pagtataksil at paghihiganti.

Tampok sa serye ang kuwento ng isang babae na biniyayaan ng isang masaya at kumpletong pamilya ,na dahan-dahang mawawasak sa oras na makutuban niyang nanloloko ang kanyang asawa hanggang sa makumpirma niyang totoo ito.

Ang Pilipinas ang ikaanim  na bansang gagawa ng sarili nitong bersyon ng “Doctor Foster”, pagkatapos ng South Korea,India( “Out of Love”),Russia,”Tell Me the Truth”,,Turkey (“Sadakatsiz”) at France (” Infidele”).

Malapit nang ianunsyo ng ABS-CBN Entertainment ang local title ng “Doctor Foster”, pati na ang aktres na bibida at ang cast na magbibigay-buhay sa nasabing Pinoy remake.

(TSIKA NI LOLA by ADOR SALUTA / BISTADODAILYNEWS.NET)