WALANG Pasko sa mga biktima ng prusisyon ng mga bagyo sa Pinas.
Nagdarahop na, lalo pang nagdahop!
—-$$$–
LAGANAP na uli ang nakawan at mga panggogoyo.
Sintomas ng tuyot na Pasko.
—-$$$–
DIRETSO lang ang serye ng mga pagpatay sa iba’t ibang lugar.
Simoy ng maruming halalan.
—-$$$–
KUMPIRMADO ang pagsali ng North Korea sa giyera ng Russia kontra Ukraine.
Matik, kasali rin ang South Korea.
Bakit kaya hindi doon na lang sila sa Korean Peninsula maggiyera?
—-$$$–
IBA’T ibang klase ng opinion survey sa election ang ibinababad sa media.
Kasama po iyun sa sinasabi ninyong ‘fake news”.
Mapipigil ba ninyo?
—-$$$–
TRILYON-TRILYON-TRILYON piso na ang utang ng Republika ng Pilipinas.
Utang versus utang.
—-$$$–
WALANG kongkretong programang pang-ekonomiya ang bansa.
Walang landmark program.
Tsk, tsk, tsk.
—–$$$–
BUMABA daw ang trust rating ni VP Sara.
Batay yan sa pa-survey ng kanyang mga kalaban sa 2028.
—-$$$–
HINDI pa matukoy kung nasaan ang kinidnap na Kano sa Zamboanga.
Hindi kaya “prank” lang?
—-$$$–
NAGSAGUPAAN ang magkaaway na paksiyon ng MILF.
Huh, akala ko nabuwag na ang MILF?
—–$$$—
IPAPATAWAG daw uli ng Senado si ex-PRRD.
Kumbaga, isa pa ngani!
—-$$$–
MAYROON bang maituturing na outstanding cabinet secretary ngayon?
Iisipin ko munah.
—–$$$–
NAGKASUNDO na ang China at India matapos ang mano-manong bakbakan sa Himalayas.
Ayon kay Sen. Imee, pwede din daw magkasundo ang Beijing at Maynila matapos maputulan ng daliri ang isang Pinoy sa WPS.
Iyan ay magaganap lang kapag siya na ang nasa Malacanang sa 2028.