Breaking News, Showbiz

‘Usapang Puso Sa Puso, Pusong Pinay’ ngayong Women’s Month

SA pagseselebra ng Women’s Month, naging tema ng Philippine Heart Association (PHA) ang mga empowered women para maging bahagi sa awareness campaign na tinawag nilang ‘Usapang Puso Sa Puso, Pusong Pinay,’ na siya naman nilang adbokasiya. 

Sa  virtual event nito, ay dinaluhan ng mga kilalang kababaihan sa industriya na nagbahagi ng kanilang mga ginagawa para manatiling healthy, tulad nina Ara Mina, Lorna Tolentino, Angel Aquino, Nina Corpus at iba pa. Marami ang nakapansin sa pagpayat ni Ara. Sabi niya ay kailangan lang daw gumalaw-galaw ng katawan.

“Before pandemic pa naman, nagwo-workout ako regularly sa gym. I bike and umaakyat sa bundok. Then nu’ng lockdown nagyoyoga at home with my daughter. I also made sure that I exercise or do physical activity like Zumba or brisk walking sa village.” ani Ara.

Pinayo naman ng mga beteranang aktres na sina Lorna at Angel na kahit nasa lock- in taping sila ay pinapanatili nilang healthy sila. Diniin ni Angel ang kahalagahan ng exercise, pagkain ng tama na tulad niya, na ang kinakain daw ay isda, prutas, gulay at paminsan minsan ay steak.

Sabi naman ni Lorna, “My favorite physical activity is brisk walking for 30-45 minutes. Sometimes I do swimming and Zumba. Let’s all exercise to keep our heart healthy.”

Nagbahagi naman ang TV host na si Nina ng kahalagahan ng paggalaw ng katawan gaya ng sinabi rin  ni Ara. Sinabi niya sa mga moderators na sina doctors Louella Quijano at Mylene Cornel na hindi naman siya that fitness buff but she tries hard to keep a healthy balance in her life. Madalas daw siyang mag-bike around UP Diliman kasama ang asawa.

Hangad ng PHA ang makatuwang ang mga celebrity endorsers sa kampanya para mapanatiling malusog ang puso lalo na ngayon sa panahon ng pandemya.

(HATAWAN by ROMMEL PLACENTE / BISTADODAILYNEWS.NET)