Breaking News, Nations

Unang tinamaan ng coronavirus-2 variant sa bansa taga Kamuning

KINUMPIRMA na ng Department of Health na nakapasok na ng bansa ang bagong transmissible coronavirus variant na nanggaling sa United Kingdom.

“Following strengthened biosurveillance and border control efforts, the Department of Health (DOH) and the Philippine Genome Center (PGC) today officially confirm the detection of the B.1.1.7. SARS-CoV-2 variant (UK variant) in the country after samples from a Filipino who arrived from the United Arab Emirates (UAE) on January 7 yielded positive genome sequencing results,” base sa ipinalabas na pahayag ng DOH.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, dumating sa bansa mula sa Dubai ang unang tinamaan ng naturang virus sa Dubai, isang lalaki na may edad 29, residente ng Kamuning, Quezon City. Nabatid na ang pasyente ay nagpunta ng Dubai para sa isang business purposes noong Disyembre 27 at bumalik ng Pilipinas noong Enero 7 sakay ng Emirates Flight No. EK 332. Agad na sumailalim sa swab test at na-quarantine sa isang hotel nang lumapag ito sa bansa.

“The positive test result was released the following day and the patient was referred to a quarantine facility in Quezon City while his samples were sent to PGC for whole genome sequencing,” dagdag ng DOH. Nabatid pa kay Duque na mayroong pneumonia ang pasyente at kasalukuyang ginagamot. Ayon sa DOH, kasama ng naturang pasyente ang isang babae sa kanyang biyahe ngunit nag-negative ito sa swab test. Gayunpaman, naka-quarantine na rin ito at inoobserbahan.

Sa hiwalay na press release mula sa QC government, nagnegatibo ang dalawa sa COVID-19 test noong umalis ang mga ito ng bansa at negative din ang resulta nila nung umalis ng Dubai. Kasalukuyan namang nagsasagawa ng contact tracing ang QC government matapos pumutok ang balita. “Immediate contact tracing was done in close coordination with the QC government, and the initially identified contacts are asymptomatic and currently under strict home quarantine,” dagdag pa ng DOH.

“As an added precautionary measure, the patient’s immediate household contacts have been brought to an isolation facility where they were also tested.” ayon sa CESU. (Mdacoro, bistadodailynews.net)