Breaking News, Showbiz

Umpisa na ng Grand Finals ng ‘Tawag Ng Tanghalan’

SA ginanap na virtual presscon para ‘Tawag Ng Tanghalan’ grand finals ng ‘It’s Showtime,’ inihayag ng Corporate Communications ng ABS-CBN na siyam na singers ang magtatagisan para maging TNT 4th grand champion na uumpisahan ngayong araw, Pebrero 1 hanggang sa Pebrero 6.

Gaya ng mga nakaraang grand finals, ang siyam na contenders ang maglalaan ng kanta para sa mga hurado at sa mga viewers (o madlang pipol) dahil paliwanag ng CorpCom, “the score of each of their performance will come from the judges’ points (50%) and viewers’ text votes (50%).

Ang hihiranging grand champion ay mag-uuwi ng P1-M, a brand new house and lot from Lessandra, P2-M, worth of recording contract with Star Magic at special trophy designed by Toym Imao.

Nitong nakaraang Sabado, January 30, nasungkit  ni Rachel Laylo ng Lipa City ang panghuling slot sa ‘huling tapatan’ at kaya naman mapapasabak siya sa nerve-wracking “Resbakbakan” sa mga naunang grand finalists.

Umpisa sa araw na ito, Lunes, makaka-face-off ni Rachel ang mga kapuwa singing contest veterans gaya ni Rica Mae Maer ng Villasis, Pangasinan, Emmar Cabilogan ng Maasin, Leyte at Nikole Kyle Bernido ng Cagayan de Oro.

Nakahanda rin sa bakbakan sina Makki Lucino ng Sorsogon, JM Yosures ng Taguig City, Donna Gift Ricafrente ng Sta.Cruz, Laguna Mara Tumale ng Malolos, Bulacan at Ayegee Paredes, ang pambato naman ng Bukidnon.

Sa unang dalawang araw ng competition, bawa’t finalists ay kakanta ng isang awitin that depict their journeys. Subali’t ang contender na makakakuha ng lowest combined score will be eliminated by the end of Tuesdays episode.

Ayon pa sa ‘It’s Showtime’ production, “The score will be reset back to zero  as the remaining finalists go all-out with their fight songs on Wednesday and Thursday  and “Now or never ” songs on Friday. Again, one finalist per day will be eliminated on Thursday and Friday,”. paglilinaw pa ng staff.

Kaya naman daw masasabing critical stage ang Saturday as the remaining six grand finalists battle it  out with their “Dream Songs” para maka-escape sa elimination.

Sa ‘huling tapatan’,ang final three contenders ay kakanta ng song medley by an artist para makamit ang inaasam-asam na 4th grand champion ng TNT. Sa bandang huli, ang grand finalists na makakakuha ng highest combined votes mula sa madlang pipol at judges; scores ang siyang magwawagi at susunod sa yapak ng mga naunang grand champioos gaya nina Noven Belleza, Janine Berdin at Elaine Duran.

Kaya’t laging tutukan ang ‘Tawag ng Tanghalan: Ang Huling Tapatan’ sa ‘It’s Showtime’ simula February 1 to 6, sa A2Z channel, on digital at analog broadcast.Viewers can also catch the show on Kapamilya channel on cable and sattelite TV,Kapamilya Online Live daily on ABS-CBN Entertainment’s YouTube channel at Facebook oage at sa iWantTFC app.

                                                            *****

            Vice Ganda patuloy ang adjustments sa ‘It’s Showtime’

SA nasabing virtual presscon, inihayag ni Vice Ganda ang kaibahan ng pagbibigay-saya noong may live audience kaysa virtual audience sa mga nagdaang ‘It’s Showtime’ episodes.

“Alam mo nakakabaliw-baliw ‘tong show e. Kasi, pa-evolve nang pa evolve ang platform, ang audience ang contestant so kailangan mong sabayan ang evolution e!“

Sinabi rin ni Vice na nag-iingat sila sa mga binibitawang jokes dahil napaka-sensitive daw ng mga viewers ngayon kumpara noon na walang pandemic.

“‘Yung ginagawa namin dati sa ‘Showtime’, maraming bagay ang ginagawa namin sa ‘Showtime’ kung paano namin, hinahandle ang show ‘yung segments, ‘yung contestants, hindi namin puwede gawin ngayon, kasi you have to consider the pandemic, emotions ng maraming tao, ‘yung estado ng maraming tao, parang dati parang ano kami, all out tawanan wala kaming pakialam sa mundo, pero ngayon, you have to be sensitive, hindi puwedeng laging masaya, kasi hindi ganun ang emotions ng mga tao.”

Aniya pa, kailangan din nilang mag-adjust  sa kanilang binibitawang jokes upang sabayan ang mga damdamin ng manonood sa digital space at cable TV market.

“Kailangan (masabayan) mo ‘yung change ng change, evolve ng evolve ‘yung platform. Kasi, biglang from free TV, bigla kami naging cable, naiba na ‘yung audience ng cable. So ako, kailangan kong aralin, ano ‘yung sensibilities ng mga cable viewers. Iba siya sa free TV, tas’ biglang naging digital, so ano ‘yung humor sa digital. Ano ang humor sa digital, paano tinatanggap ng digital ang palabas? Ano ba ang klase ang gusto nilang pinapanood? Tapos biglang bumalik na naman ulit sa free, tas’…,” ani Vice.

At dahil sa mga adjustments na kanilang ginagawa, hindi kailang may pressure ito sa gaya nilang hosts.

“Ang lala ng evolution ang daming changes ang nangyayari araw-araw kaya nakakasuka siya sa pressure. Ang hirap-hirap. Nakakatuwa kasi, it’s a brand new challenge. For the longest time siguro after a decade, ‘yung kaya kong mag-host ng ‘Showtime’ kahit lasing ako.” pahayag pa ni Vice.

(TSIKA NI LOLA by ADOR SALUTA / BISTADODAILYNEWS.NET)