Breaking News, Showbiz

TV5 artists at shows pinarangalan sa 5th GEMS Awards

MAGADANG balita ang sumalubong sa mga Kapatid ngayong simula ng taon dahil bumida ang TV5 Network artists at programs sa 5th Guild of Educators, Mentors, and Students (GEMS) Hiyas ng Sining Awards. Ang tagumpay na ito ay nagpapahiwatig ng isang kaabang-abang na taon para sa Kapatid Network.

Sa GEMS-Hiyas ng Sining Youtube Premier account kung saan ipinalabas ang official list of winners noong Linggo, Enero 10, makikita na maraming nakamit na major awards sa iba’t ibang categories ang TV5.

Nanalo bilang Best News Program ang Frontline Pilipinas, na inilunsad noong nakaraang taon lang. Ang mga tagapagbalita ng Frontline Pilipinas na sina Raffy Tulfo at Cheryl Cosim ay pinangalanang Best Male Newscaster at Best Female Newscaster, habang si Cristy Fermin ng Cristy Ferminute sa Radyo 5 92.3 News FM naman ay kinilala bilang Best Female Radio Broadcaster at Best Female Newspaper Columnist.

Sa entertainment, nagwagi bilang Best Variety Show ang daily noontime show na Lunch Out Loud habang pinarangalan naman ang host ng programa na si Billy Crawford bilang Best Male Variety Show Host.

Binigyan naman ng special award si Ted Failon bilang Natatanging Hiyas ng Sining sa Larangan ng Radyo. 

Magaganap online sa darating na Pebrero ang awarding ceremonies ng 5th GEMS Awards at tatanggapin ng winners ang kanilang plaques and trophies sa pamamagitan ng kanilang recorded acceptance videos.

Ang mga pagkilalang ito mula sa mga natatanging institusyon tulad ng GEMS-Hiyas ng Sining ang nagsisilbing inspirasyon sa TV5 para mas lalong pagbutihin at pagandahin pa ang mga programa nito hindi lamang para magbigay saya sa mga manonood kundi para mas makatulong at makapagbigay ng mahahalagang impormasyon sa mga Pilipino.

Nilikha noong April 2016, ang GEMS-Hiyas ng Sining ay kumikilala sa mga katangi-tanging alagad ng sining sa print, digital, stage, radio, television, and film. Sa unang pagkakataon ngayong taon ay idinagdag ang digital media category sa listahan ng mga awards.

(BONGGA by GLEN P. SIBONGA / BISTADODAILYNEWS. NET)