Breaking News, Showbiz

Tonz Are sunud-sunod ang project, tatanggap muli ng award

PATULOY ang pagdating ng kaliwa’t kanang proyekto sa mahusay at masipag na indie actor na si Tonz Are.

Wika niya, “Masaya at excited ako, kasi kahit ganito ang sitwasyon na may pandemic po, umaapaw pa rin ang projects na dumarating sa akin. Thankful ako sa mga production and direktor ko na nagtitiwala sa akin na ‘pag may projects ay talagang nasa cast agad ako.”

Kuwento pa ni Tonz, “I have four indie films po na natapos ko na like ‘yung ‘Stranded’ na isa ako sa lead. Ito ay under ERV Management and Daydreamer Production, sa direksiyon ni Wilden Anonuevo. Kasama ko sa film ang kapatid kong si Celso Are, Juan Ponce, Rogiemark Balleras, Justine Gaspe, Rob Visda, Tessa Gaspe, Gweneth, at marami pang iba.

“Ang iba ko pang films ay ang ‘Tawabong’ under Daydreamer Production, ‘Positive,’ na isa rin ako sa lead, sa direksiyon ni Madel Pacleb.

“Plus iyong ‘Balud’ po, sa direksiyon ni Marvin Gabas na isu-shoot after ng lockdown. Isa ako ritong syokoy, bale part 2 ito ng ‘Rendezvous’ at ako pa rin ang gaganap na Balud. Sana makasama ko ulit dito si mommy Gina Pareño at ibang co-stars sa part one.”

Dagdag pa niya, “Mapapanood pa rin ako sa vlogs ko sa Youtube sa channel kong Tonz Are at sa GMA-7, ‘The 700 Club Asia,’ Mondays to Fridays at 12 midnight.”

Nagpapasalamat din si Tonz sa kanyang pamilya na todo-suporta sa kanya, pati sa fansclub niyang Tonznatics at Tonzlovers.

Si Tonz ay nagma-manage na rin ngayon ng mga talent. Siya ang manager ng kapatid niya at iba pa.

“Yes po, ako ang manager ng brother kong ni Celso and ‘yung DaydreamerBabies po na nakasama ko rin sa Lenten special ko, si anak na Nicolle Ulang and Andrew Vital po, ako manager nila at lahat ng DaydreamerBabies,” aniya pa.

Congrats din kay Tonz dahil muli siyang tatanggap ng parangal.

Si Tonz ang nanalong Most Promising Indie Actor of the Millennium sa 4th Asia Pacific Luminare Awards na gagaganapin sa May 30, sa Okada, Manila.

(SILIP by NONIE NICASIO / BISTADODAILYNEWS.NET)