Breaking News, Showbiz

Tonz Are, indie actor na, businessman pa

MASAYANG-MASAYA ang indie/theater actor, print ad model at enterpreneur na si Tonz Are, dahil bukod sa maganda ang takbo ng kanyang career, ay maganda rin ang takbo ng kanyang business, na Tonz Tapsilogan at Artizent Perfume, na nagbebenta ng car perfume. Puwede rin ito sa kuwarto at salas.

Katatapos lang mapanood si Tonz sa Lenten Presentation ng Tanikala, mula sa CBN- Asia noong Maundy Thursday, sa episode na ‘Habang May Ngayon.’ Gumanap siya rito bilang isang frontliner na nurse. May natapos din siyang indie film na ‘Stranded’ na isa siya sa mga bida. And soon, ay magsisimula na siyang mag-shoot para sa pelikulang ‘Balud,’ under Knight Vision Entertainment, na siya ang lead actor, at ang ‘Tawabong,’ na isa siya sa mga bida, mula naman sa Daydreamer Production.

Kamakailan ay tumanggap siya ng award mula sa 4th Asia Luminare Awards bilang Most Promising Indie Actor of the Millennium. O, di ba, bongga si Tonz?

Ang Tonz Tapsilogan ay matatagpuan sa 72 D. Naga Street Pael Barangay Culiat QC. Ang daming nagpapa-deliver at kumakain dito, dahil bukod sa masasarap ang mga food, gaya ng tapsilog, porksilog, hotsilog, tilapiasilog, chicksilog, daingsilog, sopas, mami, lugaw, pansit canton, palabok, miki bihon at iba pa, ay mura lang ang presyo. Try ninyo ang Tonz Tapsilogan at siguradong babalikan ninyo ito, once matikman ninyo ang mga food dito.

*****

PUMANAW noong Marso 30 ang OPM icon na si Claire dela Fuente sa edad na 63-anyos.

Ayon sa kanyang mga mahal sa buhay, cardiac arrest ang sanhi ng pagkamatay ng Jukebox Queen Ikinuwento ng kanyang anak na si Gigo na naospital ang kanyang ina dahil nagpositibo sa COVID-19.

Nagpaabot naman ng pakikiramay si Sharon Dacera, ang nanay ng nasawing flight attendant na si Christine Dacera sa mga naulila ni Claire.

Aniya, nakikiramay ito at ramdam niya ang mawalan ng mahal sa buhay.

For the record, ang anak ni Claire na si Gregorio Angelo de Guzman o Gigo, ay idinadawit sa pagkamatay ni Cristine.

(HATAWAN by ROMMEL PLACENTE / BISTADODAILYNEWS.NEWS.NET)