Breaking News, Showbiz

Tony at JC: sino ang aggressive at sino ang pabebe?

ANG most watched BL (boy love) series na ‘Hello Stranger’ ay  isinalin sa pelikula. Sina JC Alcantara at Tony Labrusca pa rin ang mga bida rito titled ‘Hello Stranger.. The Movie’ produced ng ABS CBN Films- Black Sheep. Mula ito sa direksyon ni Dwein Baltazar.

Sa virtual media conference ng nasabing pelikula noong Sabado, tinanong sina JC at Tony, kung paano nila ni-level-up ang partnership nila from the online series, na ngayon ay sa movie na.

“Hindi talaga kami close before from sa series na “Hello Stranger.” And noong nag-meet kami sa “Hello Stranger..The Movie” parang kami ‘yung unang magkasama. Kumbaga, first scene namin agad kaming isinalang. Hindi namin,” bitin na sabi ni JC dahil bigla siyang nawalan ng signal.

Sabi naman ni Tony, “Well feeling ko naturally, lumevel up na talaga siya, kasi iba naman ‘yung experience ng “Hello Stranger..The Movie” Like sa series kasi, kahit paano mararamdaman pa rin natin ‘yung parang bitin kasi, hindi nga talaga nagkiktia si  Xavier and Mico. Pero sa movie kasi, literal na physical interaction ang makikita ng audience natin. So ‘yun pa lang sobrang level-up na. Na makikita mo sila in a same room, doing activities together. ‘Yung barkada, nandiyan din. So I’m just so happy, kasi it’s a completely different experience from all our fans and supporters. And I’m so happy kasi mabibigyan ng chance ‘yug story  na cruest cinematic experience naman.”

Sa trailer ng pelikula, may eksena rito na nasa loob ng kotse sina Tony at JC na in-attempt ng una na halikan ang huli. Na parang aggresive si Tony rito. Sa totong buhay ba ay agressive din si Tony at pabebe type naman si JC?

Sagot ni JC na natatawa, “Ako ang mas agressive. Kumbaga, mas gusto ko ‘yung ako ang nag-a-attempt na mag-kiss. Pero minsan, kaya ko namang maging baby.”

Sagot naman ni Tony, “Siguro depende sa mood ko ‘pag naiinip na ako, di magiging agressive na lang ako. Pero kung hindi naman e,mahilig akong mag-kiss, ganu’n. Pero kung hindi naman ako gusto ng tao, siyempre, hindi ako magiging aggressive.”

Ang “Hello Stranger..The Movie” streams worldwide via the following platforms: KTX.ph, iWamt TFC and TFC IPTV, Sky Cable pay-per-view and Cignal pay-per-view. Distributed by Cinexpress, tickets are available at an early bird price of Php 150.00 from January 20 to February 11 and Php 200.00 on February 12 onwards. A digital premier night meanwhile, will be held on Feb.11 at KTX.ph. Tickets of the event are available at Php 200.00.

(HATAWAN by ROMMEL PLACENTE / BISTADODAILYNEWS.NET)