Breaking News, Showbiz

Thea Tolentino sasabak na rin sa negosyo ngayong 2021

TAMANG-TAMA ang role ni Thea Tolentino bilang Chef Ginger sa GMA Public Affairs fantasy-romance series na ‘The Lost Recipe’ dahil plano pala niyang mag-venture into food business this year! Ito ang isa sa mga ibinahagi ni Thea sa ginanap na media conference ng series. 

“Mayroong nakapag-inspire sa akin na mag-venture to business, food business po siya. Magandang opportunity ‘yung ibinigay niya sa akin kasi sinasabi niya ituturo niya sa akin talaga bago niya ipa-handle sa akin ang isang franchise ng business,” pahayag ng aktress.

“Hindi pa one hundred percent sure pero dahil po sa kanya na-inspire ako na talagang pag-isipan na rin ‘yung business,” dagdag pa ni Thea.

Samantala, inaabangan na ng kanyang fans si Thea bilang Chef Ginger Romano sa ‘The Lost Recipe’ na napapanood na gabi-gabi, 8 p.m., sa GMA News TV.

*****
Centerstage magbabalik-telebisyon na!

The search for the Bida Kid is back! Abangan ang pagbabalik ng reality kiddie singing competition ng GMA Network na ‘Centerstage’ ngayong Pebrero!

Samahan ang hosts na sina Asia’s Multimedia Star Alden Richards at Kapuso comedian Betong Sumaya, at judges na sina Concert Queen Pops Fernandez, Soul Diva Aicelle Santos, at musical director Maestro Mel Villena sa kapana-panabik na pasiklaban ng aspiring young singers.

Tutok lang, malapit na ang pagbabalik ng Centerstage sa GMA!

(STARWORLD by ROMMEL GONZALES / BISTADODAILYNEWS.NET)