Breaking News, Showbiz

Teejay Marquez saludo kay Direk Joel Lamangan

NAGSIMULA nang mag-shooting ng pelikulang ‘Ang Huling Baklang Birhen sa Balat ng Lupa’ ang International actor at isa sa lead actors ng hit BL series sa bansa na ‘BXJ Forever’  na si Teejay Marquez.

Kuwento nga ni Teejay na magkahalong saya at excitement ang kanyang naramdaman sa locked-in shooting nila dahil first time niyang makakatrabaho ang batikang director na si Joel Lamangan at alam daw nitong metikuloso, pero para sa kanya ay dream come true ang makatrabaho ang mahusay na director dahil matagal na rin nitong pangarap na maidirek ni Direk Joel at nagkatotoo nga ito sa ‘Ang Huling Baklang Birhen sa Balat ng Lupa.’

Kaya naman daw bago ang shooting ay inaral na nito ang kanyang script at character na gagampaman, para raw handang-handa siya sa kanilang first shooting day.

Mas kinabog daw ang dibdib nito nang makaharap na si Direk Joel, pero nawala raw ang kaba nito dahan-dahan habang tumatagal ang kanilang shooting.

Mas humanga raw si Teejay sa sobrang husay at bilis magtrabaho ni Direk Joel at marami raw itong natututunan dito mula sa tamang timpla ng pag-arte hanggang sa propesiyonalismo sa trabaho.

Saludo rin daw si Teejay sa husay ng kanyang mga kasama sa pelikula mula kina Edgar Allan Guzman, Mimi Juareza, Lou Veloso, Rosanna Roces, Sean De Guzman, Sunshine Garcia, Dave Bornea, Jim Pebanco, Alexis Yasuda, Bo Tejedor, Kristine Bermas, and Phi Palmos. Hatid ng Heaven’s Best Entertainment na pag aari ni Harlene Bautista at sa direksiyon ni Joel Lamangan.

(HAROT by JOHN FONTANILLA / BISTADODAILYNEWS.NET)