Breaking News, Showbiz

Teejay Marquez ready sa kissing scene with Sean De Guzman

EXCITED na raw ang  International actor na si Teejay Marquez sa gagawin nitong pelikula under Heaven’s Best Entertainment na pag-aari ni Harlene Bautista at ito ang pelikulang ‘Ang Huling Baklang Birhen sa Balat ng Lupa’ na ididirehe ng award winning director na si Joel Lamangan.

At kahit second choice lang daw si Teejay ay di ito problema sa kanya dahil ang mahalaga raw ay sa kanya napunta ang nasabing project.

Maaalalang ang isa sa mahusay na actor sa bansa na si Christian Bables sana ang magbibida sa nasabing pelikula, kaya lang daw ay sobrang dami ng projects na ginagawa nito kaya ito pinalitan at si Teejay nga ang napusuang humalili dito ni Direk Joel.

Ayon kay Teejay, “Sobrang thankful ako ka’y Direk Joel Lamangan kasi ako yung napili niyang ipalit kay Christian Bables na alam naman natin kung gaano kahusay na aktor.

“And nagpapasalamat din ako sa ‘Ben X Jim’ sa Regal Films, Ma’am Roselle Monteverde at kay Direk Easy Ferrer  dahil kung hindi rin dahil sa kanila  na ibinigay nila sa akin yung role ni Ben sa ‘Ben X Jim’ hindi ako mapapansin ni Direk Joel.”

Nabasa na nga daw ni Teejay ang script ng ‘Ang Huling Baklang Birhen sa Balat ng Lupa “ at sobrang ganda raw nito kaya naman daw excited na siyang  mag-shooting. Katulad daw ng naglalagablab na kissing scene nila ng lead actor ng ‘Anak Ng Macho Dancer’ na si Sean De Guzman na gaganap na pinag-aaral nito sa nasabing pelikula.

One of these days ay magsisimula na ang shooting ng ‘Ang Huling Baklang Birhen sa Balat ng Lupa’ sa Lian, Batangas. Makakasama rin ni Teejay sa cast ang mahusay na aktor na si  Edgar Allan Guzman, promising actor Sean De Guzman at Ms. Carmi Martin.

(HAROT by JOHN FONTANILLA / BISTADODAILYNEWS.NET)