Breaking News, Showbiz

Teejay Marquez pinili ni direk Lamangan kapalit ni Christian Bables

ANG International actor na si Teejay Marquez ang hahalili kay Christian Bables para magbida sa pelikulang ‘Ang Huling Baklang Birhen Sa Balat-Lupa,’ sa direksiyon ni Joel Lamangan. 

Hindi raw kasi avaialable si Christian Bables sa sobrang daming project na ginagawa nito ngayon kaya naman daw naghanap si Direk Joel ng papalit dito at si Teejay nga ang nakita nitong babagay sa role na dapat ay para kay Christian.

Ayon pa sa mahusay na direktor sa interview nito sa Pep.ph, “Napanood ko siya sa Pinoy BL series na Ben x Jim. OK siya. Bagay kay Teejay ang role ng gay teacher na virgin, at may pinapaaral na bagets, si Sean De Guzman.

“May kissing-kissing sila, at may konting flesh, pero wholesome pa rin ang movie. Ang producer, Heaven’s Best Entertainment.”

Sa March 24 daw magsisimula ang shooting ng ‘Ang Huling Baklang Birhen’  sa Lian, Batangas.  Kasama rin sa cast sina Edgar Allan Guzman at Carmi Martin.

*****

Japan Pinay Superstar Jos Garcia, Philippine Faces of Success  2021

Uuwi ng bansa ngayong buwan ng Abril ang International singer at Japan Pinay  Superstar na si Jos Garcia para personal na tanggapin ang kanyang award sa  2021 Philippine Faces of Success “Global Artist“ na gaganapin sa May 01  sa Teatrino Promenade Greenhills, San Juan, Metro Manila.

Post nga nito sa kanyang Fb account:

“Being recognized does not mean that I am the best in the said field. However, it seems that the effort I exerted, the performances I was able to staged and the longevity of the song even if I am in another country was noticed.

“To the people who supported me throughout my musical career, I am forever thankful.

“To Ivory Records Philippines, and Viva Records, who released the songs, “Ikaw Ang Iibigin in Ko” and “Nagpapanggap” respectively, I am forever thankful.

“To the composers who I were able to worked with, Kuya Michael De Lara, Vehnee Saturno, Nonoy Tan Mon Del Rosario and Tito Rey Valera among others, I am forever thankful.

“To the press people who are always there for me, I am forever thankful.

“Looking forward to be in the Philippines on May 1, 2021

LOVE, JOS GARCIA

#josgarcia #recognition

#award #philippinefacesofsuccess2021

#successfulpeople

Kasabay nang pag-uwi ng bansa ni Jos ang promotion ng kanyang bagong single na mula sa komposisyon ni Music Icon Rey Valera, ang “Nagpapanggap“ na mapapakinggan na sa iba’t-ibang radio stations sa bansa.

(HAROT by JOHN FONTANILLA / BISTADODAILYNEWS.NET)