Breaking News, Showbiz

Teejay Marquez ‘di muna babalik sa Indonesia

HINDI na muna babalik ng Indonesia ang isa sa busiest actors ngayon sa bansa na si Teejay Marquez dahil na rin sa dami ng trabahong ginagawa nito sa Pilipinas.

Maalalang bago magkaroon ng pandemya ay sunud-sunod ang proyekto ni Teejay sa Indonesia na nasundan pa ng ibang proyekto sa Thailand at Vietnam mapa-pelikula, teleserye, tv guestings, commercials at print ads.

Pero nang maapektuhan ang buong mundo ng pandemic Covid 19 ay napauwi ng bansa si Teejay para na rin sa kanyang safety at mabantayan ang kanyang lolang may karamdaman kaya naman ang mga proyektong gagawin pa sana nito sa Indonesia, Thailand, Vietnam, Malaysia at Japan, dahil nga sa pandemiya ay pansamantala munang naisang tabi ang mga proyektong gagawin nito sa mga nasabing bansa.

Pero anytime daw na puwede na muling magbiyahe at magtrabaho  sa ibang bansa at wala pa siyang next project sa bansa  ay gagawin na ito ni Teejay.

Pero sa ngayon ay mukhang matatagalan pa  bago magawa ni Teejay ang kanyang mga out of the country projects dahil sunud-sunod nga ang mga  proyekto nito sa Pilipinas.

Nandiyan ang hit na hit BL series na pinagbibidahan nila ni Jerome Ponce na nasa season 2 na, ang ‘BXJ Forever’ na di pa man natatapos at mukhang masusundan na kaagad ito ng season 3 dahil nag-click ang season 1 and 2.
Habang ginagawa naman nito ang pelikulang ‘Ang Huling Birheng Beki Sa Balat-Lupa’ ng  (Heaven’s Best Entertainment)  kasama sina Edgar Allan Guzman, Mimi Juareza,Lou Veloso, Rosanna Roces, Sean De Guzman, Sunshine Garcia, Dave Bornea,Jim Pebanco, Alexis Yasuda, Bo Tejedor, Kristine Bermas, at Phi Palmos.  Written by Afi Africa and Joel Lamangan, with Harlene Bautista as executive producer, directed by Joel Lamangan.

Kasama rin siya sa pelikulang ‘Girl Online’ ng Regal Entertainment and LargaVista kasama sina Adrienne Vergara,Fino Herrera, Kat Galang, Andres Vasquez, Paeng Sudayan, Veronica Reyes Directed by Joey Reyes.

At sa pelikulang ‘G! Lu (Go La Union)’ ng ALV Films, Rein Entertainment at Benchingko Films) Kasama sina Kiko Estrada, Derrick Monasterio, Ruru Madrid, David Licauco, Enzo Pineda, Teejay Marquez, wth Marco Poli, Dominic Roque, Michelle Dee, Katarina Rodriguez, Chanel Morales, with Arnold Vegafria at Ben Chan bilang executive producers, directed by Philip King.

            *****

Migo Adecer nag-quit na sa showbiz

TULUYAN na ngang iniwan ng StarStruck Season 6 Ultimate Male Survivor na si Migo Adecer ang showbiz para manirahan sa Australia sa pamamagitan ng Instagram post kamakailan.

Post nito sa kanyang IG na may kasamang video na nagsi-swimming siya, “Alright peeps, this is it. Time for me to head out with a bang! thank you for the memories and thank you for the support ! There was a lot of good ( and bad ) memories that were made during my stay here but they made me who i am today! Met the love of my life here and worked with some hectic people! To the Philippines i bid you farewell to @gmanetwork @artistcenter  I say thank you for the epic opportunity to work for you guys !

To the Migonatics thank you for the love and support and for one last time, keep up the hype! See you on the flipside! ( get it ? )!

Maalalang nagsimula ang career ng guwapong actor sa Bansa NAng tanghalin itong Male Ultimate Survivor ng Starstruck Season 6 noong 2015 at nagkasunUd-sunod na ang proyektong dumating dito mula sa Encantadia, Love From The Star,  The One That Got Away, Ika-5 Utos atbp.

Maraming kaibigan nito  sa Industriya ang labis na nalungkot sa desisyon ni Migo na iwan na ang Showbiz at  nag comment sa post nito sina  Jason Abalos,  See you around bro!“, Mavy Legaspi “ i love you brotha! Kill it down under man! Always rooting for you. Daz my bestfriend!”, Cassy Legaspi “He finally announced it! Well miss tou Douglas!!!”,  Mark Bautista “Proud of you! Fly high!” At marami pang iba. Maging ang mga tagahanga nito ay sobrang nalungkot din sa pamamaalam ni Migo sa showbiz.

(HAROT by JOHN FONTANILLA / BISTADODAILYNEWS.NET)