Breaking News, Showbiz

Teejay  and Jerome, Best Actor sa 2020 Tag Awards Chicago

UNANG buwan pa lang ng taon ay blessed na kaagad ang International Pinoy actor na si Teejay Marquez sa pagwawagi nito bilang Best Actor sa 2020 Tag Awards Chicago para sa mahusay nitong pagganap sa blockbuster BL series ng Regal Entertainment na ‘Ben X Jim’ na idinerehe ni Easy Ferrer.

Kasama  nitong nagwagi sa nasabing kategorya ang kanyang co-actor sa ‘Ben x Jim’ na si Jerome Ponce, habang itinanghal namang Best Supporting Actress  si Kat Galang para din sa nasabing BL series.

Maaalalang wagi rin bilang PH BL Series of the Year ang kanilang BL series na ‘Ben X Jim’ sa katatapos na 11th TV Series Craze Awards 2020,

Tsika nga ni Teejay, ”Magandang panimula ito ng taon para sa akin at kay Jerome ( Ponce) kapartner ko sa ‘Ben X Jim.’ Biruin mo nakakadalawang award na ang ‘Ben X Jim’ una sa 11th TV Series Craze  Awards 2020 bilang PH BL Series of the Year.

“ Sobra-sobrang happy talaga ako kasi ito ang kauna-unahang Best Actor na natanggap, kaya nagpapasalamat talaga ako sa Regal Entertainment kila Ma’am Roselle  at Mother Lily (Monteverde)at pinagkatiwalaan nila akong gumanap bilang Ben sa ‘Ben x Jim.’

“Thankful din ako sa mahusay naming direktor na si direk Easy Ferrer sa guidance na binigay niya sa aning lahat kaya naibigay namin yung best namin.

“And of course sa partner ko kay Jerome kasi napakagaling talaga niya na kailangan kang sumabay or else maiiwan ka, sa buong cast at pati na rin sa staff crew naming. Nagpapasalamat din ako sa manager ko kay ALV at sa handler ko na si Kuya Rod at sa kasa-kasama ko sa shooting na si Ethan.”

Magandang regalo nga raw sa kanila ang mga awards na nakukuha lalo na’t malapit-lapit na ring magsimula ang season 2 ngayong buwam na nay titulong  ‘B X J  Forever.’ Dapat nga raw abangan dito ang mga bagong twist ng pagsasama nila ni Jim (Jerome) at ng mga bagong character na ipapakilala sa Season 2.

                        *****

Iniwan ang showbiz para magnegosyo

Mula sa pagmomodelo at pag-aartista ay pinasok na rin ni Tom Simbulan o Patrick Tom Simbulan ang pagnenegosyo, kung saan tinayo nito ang PT Simbulan Hardware na matatagpuan sa  313 CM Recto Brgy 11 Distrct 1 Tondo Manila City tatlong taon na ang nakalipas.

Kuwento nga ni Tom sa kung bakit pinasok na rin nito ang pagnenegosyo, “My grandfather (Fernando Tizon Simbulan) has been in the construction insdutry for 8 years already, and one day when i went home around 10pm I was so tired, then my grandfather saw me and asked me, Are you okay? Is it all worth it? Do you have a huge savings already? I just handed his hand to do the “mano” and smile at him.”

Dagdag pa nito, “My Grandfather will always yell at me in a positive way, You should start your own business, continue our legacy and expand our brand.“

Bigla raw napaisip si Tom sa palaging sinasabi ng kanyang pinakamamahal na lolo, kaya naman mula nang mga oras na iyon ay nabuo na ang kanyang desiyon na pasukin ang pagnenegosyo at pansamantalang iwan ang mundo ng showbiz at modeling.

“Then  I realize that i wanted to continue the legacy of family and also to help our fellow Filipinos in the rural area to be their partner in building their dreams.”

Sa ngayon nga daw ay okey naman ang kanyang negosyo  kahit na nga may pandemya at mas lalo pa raw niya itong pinalalago nang sa ganun ay mas marami pa siyang mga taong matulungan at mabigyan ng trabaho sa tulong na rin ng kanyang pamilya. Hindi naman daw nito sinasarado ang pinto ng showbiz, para kay Tom darating din yung tamang oras para balikan ang showbiz kapag stable at successful na ang kanyang negosyo.

(HAROT by JOH FONTANILLA / BISTADODAILYNEWS.NET)