Breaking News, Showbiz

Team Adelle vs Team Kelly sa ‘Love Of My Life’

TUTOK na tutok ang lahat sa mas tumitinding mga eksena sa hit GMA primetime series na ‘Love Of My Life’ at patunay dito ang patuloy na pamamayagpag sa ratings at pag-trending sa social media ng serye.

Usap-usapan naman ang recent episode kung saan tuluyan nang itinigil ni Nikolai (Mikael Daez) ang nararamdaman niya para kay Adelle (Carla Abellana) at sa halip ay pinili si Kelly (Rhian Ramos).

Maraming viewers at netizens din ang bumilib sa closure scene sa pagitan nina Nikolai at Adelle. Post ng isa, “Super ganda talaga ng LOML, dami kong niluha. #LOMLGoodbyeFeelings.”

Kani-kanya namang hula at opinyon ang viewers kung si Adelle o Kelly nga ba ang dapat na makatuluyan ni Nikolai sa huli lalo pa at nabuking na rin ni Kelly ang lihim ni Adelle na may nararamdaman din ito para kay Nikolai.

Sino nga ba kina Team Adelle o Team Kelly ang magwawagi sa puso ni Nikolai? Tumutok lang sa tumitinding mga eksena sa ‘Love Of My Life,’ Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Telebabad.

            *****

Performance ni Klea Pineda sa ‘Magkaagaw,’ panalo

            Simula nang umere ang fresh episodes ng high-rating GMA Afternoon Prime series na ‘Magkaagaw,’ marami ang pumupuri sa mahusay na pag-arte ni Klea Pineda.

            Makikita sa YouTube channel ng GMA Network na punong-puno ng mga positibong komento ang mga eksena ni Klea bilang Clarisse Santos-Almonte sa serye simula nang malaman n’ya na niloloko siya ng kanyang asawa na si Jio (Jeric Gonzales) at ng boss niya na si Veron Santos (Sheryl Cruz).

            Komento ng isang netizen, “Super galing ni Clarisse… 100%. I will vote for Best Actress for this girl. So real to act.”

            Ani naman ng isa, “This girl nailed it! We all feel the pain and tears of Clarisse. Our hearts are full of her pain and our eyes are full of tears.”

            Dagdag pa isang fan, “Grabe ang husay ni Klea. Parang married na siya sa tunay na buhay… Damang dama bawat linya.”

            Patuloy na abangan ang painit nang painit na mga eksena sa ‘Magkaagaw,’ mula Lunes hanggang Sabado, sa GMA Afternoon Prime!

(STARWORLD by ROMMEL GONZALES / BISTADODAILYNEWS.NET)