Breaking News, Showbiz

Teacher Mhack Morales, nagpapaseksi man, proud ang mga estudyante

INIHARAP ng Godfather Productions sa press people ang ikalimang cast member ng ‘Anak Ng Macho Dancer’ na si Mhack Morales noong isang araw. Earlier ay naipakilala na, in different prescons, ang iba pang bida ng movie na sina Sean de Guzman, Ricky Gumera, Charles Nathan at Miko Pasamonte.

            Tulad nang sa dinaluhan naming presscon ni Ricky Gumera, may intro dance number din si Mhack, sumayaw siya sa harap ng maraming reporter, naghubad ng damit, pantalon, at brief. Naiwan lang ang sombrerong itinakip nito sa harapan, pero lantad ang puwet. Mas daring siya kay Ricky Gumera dahil si Ricky ay nagsuot ng bathrobe kaya ‘di nakitaan ng puwet.

            But what is interesting to note ay dati palang teacher si Mhack. He was teaching Physical Education sa isang public school sa Manila, but he has also landed in other works, like nagtrabaho rin siya sa isang entertainment bar, sa isang gaybar. Ibig sabihin, while he plays a macho dancer in ‘Anak Ng Macho Dancer,’ he also experienced being one in real life.

            Sa movie, aniya, maraming pasabog ang mga eksenang ginawa niya – like puwede raw siyang tawaging ‘Lamas King’ dahil may mga eksenang nakipaglamasan daw siya, bukod pa sa may mga frontal scenes siya roon, threesome scenes, etc.

            Nang tanungin namin kung hindi ba siya natatakot na ma-bash ng mga kasamahan niya sa school, lalo na ng mga dating estudyante dahil sa mga seksing eskenang ginawa niya, aniya – ‘Proud pa nga po sila sa akin, dahil po artista na ako. Marami pa nga po ang gustong magpa-picture sa akin ngayon!”

            Naniniwala naman daw si Mhack na ang mga ginagawa niya ay akting lang, parte lang ng kanyang pagiging artista. When ased kasi kung sa totoong buhay daw ba ay papatol siya sa indecent proposal, lalo na sa bading, friendship lang daw ang maibibigay niya sa mga ito. Pinatunayan din ito ng producer ng pelikula na si Joed Serrano, saying na hindi nga raw pinapansin ng mga artista niya ang mga indecent proposal kahit na naglalakihang pera pa ang katumbas.

            Hindi rin biro ang pinagdaanan ni Mhack. Noon daw ay naranasan din niyang magtinda ng mani para maitustos sa pag-aaral. Powered with strong determination, ito marahil ang nagtulak sa kanya na subukan ang iba’t ibang trabaho hanggang matagpuan nga niya ang kapalaran bilang artista. At mukhang maganda naman ang pangako sa kanya ni Joed, tulad sa iba pang bida ng movie, dahil sunud-sunod naman daw ang ipoprodyus nito para sa kanila. Bukod pa sa house and lot na ibinigay sa kanila.

            Well, we hope na  mag-succeed si Mhack as we can feel naman na mabuting tao siya. Friend namin siya sa facebook and he entertains naman exchanging conversations. Huwag lang siyang magbabago.

(TIK AT TIK by SANDY ES MARIANO / BISTADODAILYNEWS.NET)