Breaking News, Showbiz

Sylvia Sanchez sinariwa ang naging laban sa Covid 19 noong isang taon

MULING sinariwa ng mahusay at award winning actress na si Sylvia Sanchez ang experience nito at ng kanyang pinakamamahal na asawang si Art Atayde noong mga panahong nagka-covid 19 silang dalawa noong isang taon.

Ayon nga kay Ibyang (palayaw ng aktres), “Actually, sa totoo lang, kahit nangyari sa amin yung nagka-COVID kaming mag-asawa — March 16 si Art nagkaroon, tapos na-discover namin na nahawa ako nu’ng March 21. Honestly, wala akong kuwestiyon sa Diyos kung bakit nangyari sa akin yun. Wala akong pain or sakit kung bakit nangyari sa amin yun kasi ang kapalit nu’n mas naging close ang buong pamilya.

 “May magandang kapalit yun. Nagkaroon ako ng takot yes para sa mga anak ko, kay Chubby and kay Gela, kay Arjo, kay Ria na mahawa lalo na yung bunso. Kasi at that time walang puwedeng sumama na hindi COVID positive sa loob ng hospital.”

Dagdag pa ni Ms Sylvia, “Natakot ako para sa bunso talaga. Suma-total walang negative kahit ano na nangyari sa buhay ko last year kasi ang kapalit nun blessings.

“Ang dami-daming nangyaring magaganda sa buhay ko after nun so papaano ko kukuwestiyunan yung isang beses na nagka-COVID kami, thank God nalagpasan namin, kumpara doon sa binigay niya after.

“Sabi ko nga, lahat tayo, karamihan sa atin may kuwestiyon bakit Lord. Pero darating yung time na yung mga katanungan natin masasagot din yan later on.

“Nu’ng time na nagka-COVID ako ang dami-daming nagdarasal tapos nagulat ako yung iba hindi ko kilala, nagte-text. Di ba, blessing yun?

“Never naman ako iniwan ng Diyos. Ako ang nang-iwan sa Diyos. Tineyk for granted ko siya. Maraming beses. Pero tuloy-tuloy niya akong niyayakap.

“Never naman tayo iniwan ng Diyos. Hinihintay lang niya tayo na tawagin siya at iinvite siya ulit sa ating buhay.”

At ngayon nga ay mas maingat na ito at ang kanyang pamilya nang sa ganun ay hindi dapuan ng  nasabing virus.

Tuluy-tuloy pa rin ang paggawa nito ng magagandang proyekto at isa na rito ang teleserye ng Kapamilya Network, ang “Huwag Kang Mangamba” kung saan makakasama nito ang The Gold Squad na sina Andrea Brillantes, Seth Fedelin, Kyle Echarri at Francine Diaz, Nonie Buencamino, Mylene Dizon, RK Bagatsing, Dominic Ochoa, Diether Ocampo, Enchong Dee, Angeline Quinto, Matet De Leon, Soliman Cruz, Mercedes Cabral, Paolo Gumabao at Alyanna Angeles.

Mula  sa direksyon nina Emmanuel Palo, Jerry Lopez Sineneng at Darnel Villaflor, mapapanood sa March 20 sa iWantTFC app at website, at sa Marso 22 naman, 8:40 p.m. pagkatapos ng “FPJ’s Ang Probinsyano” sa A2Z channel sa free TV at sa digital TV boxes gaya ng ABS-CBN TVplus.

            *****

                      Sheryl ispesyal kay Jeric Gonzales

SA wakas ay nagsalita na rin ang guwapo at mahusay na actor na si Jeric Gonzales sa matagal nang bulung-bulungan sa loob ng showbiz kaugnay sa relasyon nila ng aktres na si Sheryl Cruz na kasama nito sa hit Kapuso Afternoon serye na ‘Magkaagaw.’

Sagot nga ng binata nang matanong ito nang mag-guest sa ‘Boobay and Tekla Show’ kamakailan kaugnay sa nasabing tsismis, “Alam n’yo naman naging close kami sa ‘Magkaagaw’ so kung ano man ‘yung friendship namin ngayon, sa amin na lang ‘yun siguro. Very, very close kami.  Special ‘yun.”

Nakangiti pa nga nitong sinabi na baka siya na nga ang Mr. Dreamboy na matagal nang hinahanap ng mahusay na aktres.

At sa pakikipagrelasyon daw ay mas gusto ni Jeric na mas matanda sa kanya kaya nanan di nga talaga malabong magustuhan nito si Sheryl na bukod sa mabait, maalaga, maganda at sexy pa na ang hitsura ay malayung-malayo sa kanyang edad dahil mukha pa rin itong bata.

Dagdag nga ni Jeric, “Mas may experience ang babae, mas marami akong matutunan, ‘di ba? “Sa tingin ko hindi mahalag ang age. Katulad ng sinabi ni Miss She, it depends sa perspective ng tao talaga, e.

“Naniniwala kasi ako na hindi age, e. Kapag na-in love ka sa isang tao, it doesn’t matter. Ang mahalaga du’n masaya ka, ‘tapos, ayun, nakita niyo yung mundo ng isa’t isa, yung happiness ng isa’t isa, nagkasundo kayo.

“Parang ‘yon yung mahalaga, e. Kung anuman yung sasabihin ng iba, di na mahalaga ‘yon. Parang ganu’n. Kaya I think hindi siya nagma-matter. “ pagtatapos na pahayag ni Jeric.

(HAROT by JOHN FONTANILLA / BISTADODAILYNEWS.NET)