Breaking News, Showbiz

Sylvia Sanchez nagpasalamat sa Dreamscape sa pagbibigay ng dream role niya

NAGPAPASALAMAT ang award-winning actress na si Sylvia Sanchez sa Dreamscape Entertainment sa pagbibigay sa kanya ng dream role bilang taong grasang si Barang sa Kapamilya teleseryeng ‘Huwag Kang Mangamba.’ 

“Gusto kong magpasalamat sa Dreamscape dahil sa akin ipinagkatiwala… pinagkatiwalaan ako ng isang napakagandang role. Isa sa mga pinangarap kong role. Maraming-maraming salamat Sir Deo (Endrinal, Dreamscape Head), sir Rodel (Lindayag) at sa lahat ng mga direktor na tumulong talaga sa akin kung paano ko gampanan si Barang, at sa lahat ng staff,” pahayag ni Sylvia sa Worldwide Media Conference ng ‘Huwag Kang Mangamba.’

Natanong din si Sylvia kung ano ang kaibahan ni Barang sa ibang roles na nagampanan niya dati? “Ang pagkakaiba nito, wala siya sa totoong mundo. Meron siyang sariling mundo. Wala siya sa reyalidad,” sagot niya.

Inamin pa niya na wish talaga niyang gampanan ang role na ito. “Yeah, isa siya sa mga wish ko. Isa siya sa mga gusto ko talaga. Masarap siyang i-portray, masarap siyang i-embrace. Masarap siyang paglaruan.”

Never pa raw niyang nagampanan at nagawa ang mga pinaggagawa niya bilang si Barang. “Ngayon ko lang ito nagampanan. Kung meron man akong nagampanan na ganito dati, pero ito iba. First time kong ganito. Tapos sa isang teleserye pa na kailangan mag-concentrate ka roon sa role na yun. Dahil kapag nilaro mo lang ito, I mean, kapag pumunta ako roon (sa set) na hindi ko pinaghandaan at hindi yakapin ng buong-buong yung role ko, e, tatagilid ka. Kailangan focus dito,” sabi pa ni Sylvia.

Kasama ni Sylvia sa cast ng ‘Huwag Kang Mangamba’ ang Gold Squad na sina Andrea Brillantes, Francine Diaz, Seth Fedelin at Kyle Echarri gayundin ang magagaling na mga artistang sina Eula Valdes, Nonie Buencamino, Dominic Ochoa, Diether Ocampo, Mercedes Cabral, Enchong Dee, RK Bagatsing, Angeline Quinto, Dimples Romana, Mylene Dizon, Soliman Cruz, Matet de Leon, Paolo Gumabao, at marami pang iba.

Sa direksyon nina Jerry Lopez Sineneng, Darnel Joy Villaflor at Emmanuel “Manny” Palo, ang ‘Huwag Kang Mangamba’ ay mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes simula ngayong March 22, 8:40 PM pagkatapos ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa Facebook at YouTube, A2Z channel 11 at TV5 sa free TV at sa digital TV boxes gaya ng ABS-CBN TV PLUS. Mapapanood din ito sa iWantTFC at TFC.

(BONGGA by GLEN P. SIBONGA / BISTADODAILYNEWS. NET)