Breaking News, Showbiz

Sylvia Sanchez bibida sa ‘Huwag Kang Mangamba’

PAGKATAPOS ng isa sa maituturing na pinakamagandang teleserye sa Bansa last year na ‘Pamilya  Ko’ na pinagbidahan ng mahusay at award wining actress na si Sylvia Sanchez ay may kasunod na kaagad itong teleserye.

Maaalalang naging bukambibig ng mga manonood ang ganda ng teleseryeng  ‘Pamilya Ko’ at ang husay  na performance ng bawat kasama sa nasabing serye lalo na si Sylvia na nagwagi pa ng Best Actress.

Kaya naman sa bago nitong teleserye ay paniguradong maiibigan na naman ito ng mga manonood dahil bukod sa maganda ang istorya nito ay kakaibang Sylvia ang mapapanood nila dito.

Handog nga ng Dreamscape Entertainment  ang ‘Huwag Kang Mangamba’ na all star cast.

            *****

Kim Rodriguez may watch business 

Hindi na talaga maawat sa pagnenegosyo ang kapuso actress na si Kim Rodriguez dahil bukod sa pagkakaroon nito ng Milk Tea at clothing line  business ay  may sarili na rin itong binibentang relo, ang Levitikus.

Kuwento nga ni Kim, “Natuwa lang ako nung nakita ko yung watch ang ganda niya and puwede siya sa lahat ng occasion, kaya nagkaroon ako ng idea na gawin na rin siyang negosyo. Ito bale ang bago kong negosyo dagdag ko sa mga nauna ko ng negosyo.

“ Sa panahon kasi ngayon dapat isipin yung future, katulad sa aming mga artista di naman lifetime yung trabaho namin, so kailangan na habang bata pa mag ipon at mag invest sa negosyo paghahanda na rin sa future.”

Bukod nga sa pagnenegosyo ay binibigyang oras din ni Kim ang pagbi-Bigo live at meron na rin itong youtube channel kasama ang mga kaibigan niyang sina Ynez Veneracion at Chichi Rita (KimChiNez) kung saan ang content nila ay Travel.

Mapapanood din si Kim sa toprating News TV Serye na ‘The Lost Recipe’ at dalawa naman ang pelikula nitong ginagawa, bukod pa sa mga guestings nito sa iba’t ibang shows ng GMA 7.

(HAROT by JOHN FONTANILLA / BISTADODAILYNEWS.NET)