Breaking News, Showbiz

Sylvia Sanchez, best actress nominee  sa Star Awards For Movies at Eddys

PAREHONG nominado for best actress category ang mahusay at award-winning actress na si Sylvia Sanchez sa Star Awards For Movies , for ‘Jesusa’  at sa Eddys Choice Awards, for ‘Coming Home.’

Masaya raw ang mahusay na actress sa nominasyong nakuha niya sa Eddys Choice Awards at 36th PMPC Star Awards For Movies sa pagkilala sa kanyang kakayahan bilang actress.

Una na rito ang gaganaping Eddys Choice Awards ng SPEED ngayong April 4 via Virtual Awards Night kung saan makakalaban ni Sylvia sa mahusay nitong pagganap sa pelikulang ‘Coming Home’ sina Charlie Dizon (Fan Girl), Coleen Garcia (Mia), Bela Padilla (On Vodka, Beers and Regrets), at Cristine Reyes (UnTrue).

At sa 36th PMPC Star Awards For Movies kung saan nominado ito sa pelikulang Jesusa ay makakalaban nito ang mahuhusay na actress sa bansa na sina Bea Alonzo (Unbreakable), Kathryn Bernardo (Hello, Love, Goodbye), Angie Ferro (Lola Igna), Sarah Geronimo (Unforgettable), Janine Gutierrez (Babae At Baril), Ruby Ruiz (Iska), Judy Ann Santos (Mindanao) at  Jodi Sta. Maria (Clarita).

Sa ngayon ay abala si Sylvia sa taping ng inaabangang teleserye ng Kapamilya Network, ang ‘Huwag Kang Mangamba’ kung saan gagampanan nito ang character ni Barang.

                 *****

             Will Ashley excited sa Book 2 ng ‘Primadonnas’

Habang naghihintay ng proyektong ibibigay sa kanya ng GMA 7, ang kanyang home studio ay ang pag-aaral (Online Class) daw ang isa sa pinagkakaabalahm ngayon ng guwapong teen actor na si Will Ashley.

Kuwento nga nito nang kinamusta namin kung ano ang kanyang pinagkakaabalahan ngayon, “Busy po ako ngayon sa online school, patapos na ako ng senior high at magka-college na po ako.”

Bukod sa pag-aaral ay ginagawan din nito ng paraang isingit ang pagpapaganda ng katawan through workout, “ Nagwo-workout din po ako para gumanda yung katawan ko, kaya kung mapapansin niyo po medyo nagkakalaman na ako ngayon. Yun na kasi ang uso ngayon lahat nagpapaganda ng katawan, kailangan kahi’t papano maganda ang katawan. And para na rin sa health ko, mahirap po kasi mag kasakit ngayon na may pandemya.

“ And nag-Vvlogs, streaming at games din po ako sa mga bakante kong oras, and nagti-Tiktok din ako.  Waiting din po ako sa Book 2 ng ‘Primadonnas’ any day mag-start na po kami ng taping.”

Abala rin si Will sa guesting sa iba’t ibang programa ng GMA 7 habang hinihintay ang taping ng Book 2 ng ‘Primadonnas.’

(HAROT by JOHN FONTANILLA / BISTADODAILYNEWS.NET)